Ni Claire Robles
LULUWAGAN ng Bureau of Immigration ang travel restrictions sa mga dayuhang nais pumasok sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ng saklaw sa mga dayuhang pinayagang pumasok sa bansa sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Nilinaw ni B.I. Commissioner Jaime Morente na sa kasalukuyan, kabilang sa mga pinayagan nang pumasok ng bansa ang mga dayuhang mangangalakal at mamumuhunan.
Kabilang din sa mga foreign national na pinayagang pumasok ng bansa ang mga dayuhang may hawak na visa na inisyu ng mga Economic Zones ng Authority of the Freeport Area of Bataan, Cagayan Economic Zone Authority, at Clark Development Corporation.