ANNA MAE ALPUERTO
MATAGAL na panahon na ang nakalipas noong pinaniniwalaang ang pagsakripisyo ng tao at hayop ay isang sinaunang ritwal sa ibat-ibang mga kultura. Ngayon, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga tuta na mas bata pa sa anim na buwang gulang ay isinakripisyo at inilibing — minsan ay buhay pa — iniaalay sa mga libingan ng tao sa panahon ng Shang Dynasty ng Tsina.
Kinuha ng mga arkeologo na si Roderick Campbell at Zhipeng Li ang lumang arkeolohikal na data mula sa mga nakalipas na paghuhukay sa Tsina at natuklasan nila na ang karamihan sa mga aso na isinakripisyo at inilibing ay mga tuta pa lamang sa panahon ng kanilang pagkamatay. Pinabulaanan ng pagtuklas ang mga naunang paniniwala na ang mga isinakripisyong aso ay mga minamahal na alagang hayop na inilibing sa tabi ng kanilang mga may-ari.