Ni Paula A. Canua
HUWAG nang mainip kung mabagal ang paghaba ng iyong buhok dahil may magagawa ka para sa long hair dream mo.
Ang ating buhok ay may tatlong phases, anagen kung saan tumutubo ang buhok. Catagen o mabagal na paghaba at telogen o ang pagtigil at kadalasang hairfall stage ng buhok.
Mahaba, matibay at malusog na buhok, narito ang mga tips:
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng manok, itlog, greek yogart. Ang hairfall ay kadalasang senyales ng kakulangan sa protina ang katawan.
- Pataasin ang iron at zinc intake. Ang spinach, beans at seafoods ay mayaman sa zinc, may kakayahan itong patibayin ang inyong buhok upang makaiwas sa split ends at breakage ng hibla.
- Pagkain ng mayaman sa biotin gaya ng itlog, keso, mushrooms, almonds at cauliflower, ito ay nagbibigay sigla at moisture sa buhok. Mainam din ang mga pagkaing mayaman sa B vitamins gaya ng isda, karne, dairy products, madadahon na pagkain, cereals peas at beans, na nagbibigay ng kintab at buhay sa ating buhok.
- I-trim ang buhok, mukha mang kabaligtaran, ang pagtrim ng dulo ng buhok ay nakakatulong para mawala ang split ends na nagiging dahilan ng pagkakabuhul-buhol ng hibla ng buhok.
- Gumamit ng telang silk bilang pillow case. Ang friction sa inyong buhok at cotton na punda ay nagiging dahilan kung bakit paggising ninyo ay maraming hairfall sa inyong higaan.
- Iwasan na ibalot ang buhok sa tuwalya, nagdadahilan din ito ng matinding friction sa buhok. Maingat na pigain na lamang ang buhok gamit ang kamay.
- Iwasang mag-shampoo araw-araw. Nawawala ang natural oils ng buhok kaya ito madaling magdry at bumuhaghag. Sa halip tiyakin na araw-araw na magconditioner, magshampoo lamang kada isang araw na liban.
- Iwasan ang paggamit ng hot water sa anit, tinatanggal nito ang natural oils at dahilan din ng pagkapanot. Samantalang ang cold water ay pinapanatiling tight ang hair follicles kaya naiiwasan ang hairfall.
- Gamit ang dulo ng mga daliri, imasahe ang anit, gawin ito sa paikot na mosyon. Mainam na gawin ito bago matulog at kapag tuyo ang buhok.
- Hindi dapat basta mapahaba dapat mapanatili ang tibay at lusog ng buhok
- Gumamit ng suklay na malaki ang pagitan upang maiwasan ang hairfall.