• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - January 27, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Editorial

Pagkatanto

April 11, 2020 by Pinas News

 

BAKA sa unang basa ng iba, ang titulo nito ay “pagkatonto.”  Tama po iyan—pagkatanto—realization sa inggles dahil nagsisimula pa lamang halos ang ating pagharap sa pandemiyang COVID-19, may ilang malinaw nang pagkatantong mahuhugot.

Nang pumasok ang 2020, nasa 7.5 porsyento ang target ng ating pamahalaan upang palaguin ang pambansang ekonomiya (paglaki ng gross domestic product o GDP). Ngayong napag-aralan na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang posibleng epekto ng hindi inaasahang pandemiko sa ating ekonomiya, sinasabing maaaring umabot na lamang sa 5.5 porsyento ang paglago nito.

Kung makokontrol agad ang paglaganap ng COVID-19 sa loob ng isang buwan, ang paglago ng GDP ng bansa ay maaaring maging mas mabilis pa rin kaysa sa inaasahang 4.8 porsyento ng Indonesia, 3.8 porsyento ng Malaysia, at 1.8 porsyento ng Thailand.  Hinaharap din ng mga bansang ito ang dagok ng pandemiya.

Habang sinusulat ang artikulong ito, nagpahayag muli ang Pangulo tungkol sa patuloy na paglaban natin sa pandemiya at tinuran niya: “Rest assured your government is on top of the situation at all times.” Lalo na sa mga tagapagtangkilik niya, napakagandang pakinggan ang pagtitiyak ng Pangulo na hindi nagpapabaya at nakatutok sa pamamahala ang ating pambansang liderato.

Sa inaasahan nating pagtatagumpay ng bayanihan laban sa pandemiya, sana naman maalala natin ang ilang pagkatantong mayroon tayo sa ngayon hinggil sa pagpapatakbo ng isang pambansang ekonomiya.

Una, may napakahalagang papel na ginagampanan ang mga service workers mula impormal hanggang sa pormal na sektor.  Mas malaki pa nga ang impormal na sektor sa dami ng bilang ng mga taong dito nakasalalay ang kinabukasan. Halimbawa ng mga ito ang mga street vendors at iba pang mga maliliit na negosyante.

Sa pormal na ekonomiya naman, lalo na sa ilang uri ng gawain, magandang opsyon naman pala ang mga work-from-home na kaayusan o kaya ang isang shortened work week. Maraming positibong dala ang mga alternatibong kaayusang pang-ekonomiya naman para sa mga nag-oopisina.

Sa usaping pamamahala, hindi natin kailanman matatawaran na ang pangangailangan na maging handa sa dilubyo o sakuna, lalo na sa pagtatabi ng sapat na pondo para rito.  Nitong huling taon, kinaltasan natin nang kinaltasan ang mga pambansang pondo para sa kalusugan, siyensiya, pambansang kapaligiran, at maging sa disaster management. Masakit na aral ang COVID-19 at maging ng kailan lamang na pagputok ng Taal ang pagkukulang ng bansa sa mga usaping ito.

Ikaapat, kapansin-pansin ang malinis na kapaligiran ngayon sa Kalakhang Maynila. Nawala ang smog at napakalinis ng mga lugar na dati ay nanlilimahid.  Kaya naman palang maglinis nang maayos ng mga LGU, sana ay maipagpatuloy ito kahit wala ng pandemiya. Kaya naman palang mabawasan ang trapik at polusyon (dahil, halimbawa, sa mga alternatibong work arrangements gaya ng work-from-home), bakit hindi ipagpatuloy kahit na wala na ang pandemiya.

Higit sa lahat, kaya naman palang bigyan ng mas matinding suporta ang mga kapus-palad at mga mababa ang kinikita, bakit hindi natin ipagpatuloy?
Sa kalaunan, ang pagkatanto nating mga ito ang tunay na magdadala ng makabuluhang pagbabago sa lipunan at hindi lamang ang payak na paglago ng pambansang ekonomiya.

 

Editorial

Kooperasyon

March 19, 2020 by PINAS

EDITORIAL – PROF. LOUIE MONTEMAR

 

KOOPERASYON ang mas mainam na salitang gamitin sa panahong ito dahil hinaharap natin ang isang suliraning kailangan ang pakikisama ng lahat.  Magandang ito ang ipanawagan dahil nakatuon ito sa pagkilos at hindi basta pagkakaisa.     Hungkag ang pagkakaisa kung ito ay salita lamang.  Kailangan ng pagkilos.  Kailangan ng aksiyon.

Sa tindi ng bangayang pampulitika sa ating bayan at masalimuot na politika bago pa man pumutok ang COVID-19 bilang isang pandemic, mahirap din talaga ang basta manawagan na lamang ng “pagkakaisa” lalo na kung ngayon lamang nating lahat naranasan ang ganitong sakit sa tindi ng pagiging nakahahawa.

Ang tanong, pagkakaisa o kooperasyon para saan? Tungo saan? Para kanino? Oo, nangangapa tayong lahat sa usaping ito, kung tutuusin.  Iyon nga lamang, lalong tumitindi ang pagkabahala ng publiko kung ang mismong pamahalaan ay hindi malinaw sa nais nilang ikilos ng tao.  Hindi sapat na sabihing “Sumunod na lamang kayo.”  Kailangan ng talakayan at pagkakasundo sa plano ng pagkilos.

Dito nauugat ang pamumuna ng marami sa nagaganap na community quarantine sa Kamaynilaan.  Isang araw matapos magpahayag ang Pangulo, malabo pa talaga ang mga patakarang nilatag, kapos sa detalye at paglilinaw—at sasabihan ka na agad ng “sumunod ka na lang?”

Kung paano haharapin ang ganitong hamong pangkalusugan na mangangahulugan ng buhay o kamatayan para sa marami sa atin ay isang bagay na nararapat lamang na maging malinaw at ilatag ng may transparency para sa lahat, hanggang maaari.  Halimbawa, pinag tatalunan at pinag kakaguluhan ngayon ang mga salitang “lockdown” at “quarantine.”  Anong ibig sabihin ng pagsunod sa mga bagay na ito?

Ayon sa isang paliwanag na umiikot sa ngayon sa ating mga barangay, “lockdown daw iyong sitwasyon ngayon sa Italya. Hindi pinalalabas ng bahay ang mga mamamayan doon maliban na lamang kung may permit sila.  Walang ring pasok sa mga trabaho.

Sa kabilang banda, “quarantine” ang sitwasyon ngayon sa Japan. Nananatili sa mga bahay nila ang mga tao para makaiwas sa sakit ngunit pinapayagan silang makalabas ng walang mga permit. Walang manghuhuli sayo kahit lumabas ka, may mga pagbabawal pa rin dahil nga may krisis. Nagtatrabaho pa rin ang mga tao depende sa patakaran ng kanilang pinapasukan.

Naka-quarantine nga ang Kamaynilaan kaya may mga restrictions o suspensiyon pero hindi naman total lockdown kung saan bawal kang lumabas ng bahay o ng Kalakhang Maynila. Ang mga nagtatrabaho sa Maynila na naninirahan sa labas nito ay makakapasok pa rin kung ang kumpanyang pinapasukan nila ay hindi nagsuspend ng trabaho.

Sa huling paglilimi, gagana lamang ang quarantine, lockdown, o anupamang hakbang patungkol sa pandemic na ito kung may kooperasyon tayo.  Hindi kailangan ang pagkakaisa o ang iisa tayo ng pananaw, subalit kailangang may koordinasyon ang ating pagkilos.  Kailangan ng kooperasyon.

 

Editorial Opinyon Slider Ticker

Barangay at COVID-19

March 17, 2020 by PINAS

SA World Health Organization (WHO) nanggaling ang opisyal na pangalan nito—ang Corona Virus Disease (kaya COVID) na lumabas nito lamang 2019.  Isang sakit na malakas makahawa subalit mababa naman ang mortality rate. Ibig sabihin, karamihan sa tinatamaan nito ay gumagaling naman lalo na kung likas na malakas ang pangangatawan. Iyon nga lamang, wala pang bakuna at gamot  para rito.

Dahil dito inilagay ng Pangulo sa ilalim ng isang state of emergency ang bansa simula itong unang linggo ng Marso. Mas minumonitor na ang paglaganap ng COVID 19 lalo na sa Kamaynilaan. Dahil dito, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na tumutok ng husto sa nasabing usapin at manguna sa kanilang mga lugar sa pagharap sa epidemiya.

Mainam na hakbang ito dahil ayon na rin sa Artikulo 478 ng Local Government Code, ang mga lokal na health officers ang dapat na “manguna sa  paghahatid ng mga serbisyo sa kalusugan, lalo na sa panahon at pagkatapos ng mga sakunang gawa ng kalikasan o ng mga sakuna at kalamidad.”  Sa kasong ito, kailangan ang mga barangay ay maayos na mapamunuan ng mga naturang city at municipal health officers upang ang mga tinatawag nating barangay health workers (BHWs) ay mapakilos ng tama at husto.

Sa ilalim ng Proklamasyon 922 para sa nabanggit na state of emergency hinggil sa paglaganap ng COVID, ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ay inatasan na magbigay ng tulong at kooperasyon, pati na rin ang pagahahanap ng iba’t ibang paraan upang magsagawa ng “kritikal,” “mahigpit,” at “naaangkop” na “tugon at hakbang na napapanahon.”

Inutusan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng mga barangay upang buuin ang kani-kanilang mga planong pang-emerhensiya upang makatugon sa mga kaso o pinaghihinalaang kaso ng COVID-19.  Ang patnubay mula sa naturang departamento ng lokal na pamahalaan ay nagbibigay diin sa mga BHW upang makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) tungkol sa paglilipat ng mga tao sa ilalim ng pagsisiyasat sa mga akreditadong pampublikong ospital o referral center.

Ayon sa isang talumpati ng Pangulo kailan lamang kung nagdagdag siya ng mga tagubilin para sa DILG, “game changer” ang mga barangay sa ating pagharap sa bantang epidemiya.  Sa ibang salita, malaking bahagi ng pagkilos ng pamahalaan sa usapin ng lagay pangkalusugan sa bansa ay ang pagganap ng mga lokal na institusyon gaya ng mga barangay.

Ano ngayon ito para sa atin? Kailangan ang ating malalim na kooperasyon sa mga gawaing kaugnay ng emerhensiya.  Kung makikiayon tayong lahat, kalahati ng ating mga suliranin ay tiyak na natugunan na.

Oo kailangan ng pondo  sa kampanyang ito, subalit kung kapit-bisig tayong haharap sa mga hamong dala ng epidemiyang ito, mas magagawa natin ang nararapat.  Isa pa, hindi naman lahat ng bagay makukuha sa pera, gaya ng pagtitiwala ng isang nag-aalalang mamamayan.

Diyan tila mas kailangan ang husay at galing ng ating mga barangay lider ngayon—ang mapakalma ang nakararami tungo sa pinagkaisang pagkilos laban sa COVID-19.

 

Editorial Opinyon Slider Ticker

Ang ADB at ang pag-angat ng Pilipinas

March 11, 2020 by Pinas News

NAPAKARAMING hamon sa ating pag-unlad bilang bansa. Sa usapin ng ekonomiya, malayo pa ang dapat marating ng ating kabuhayan.  Ayon mismo sa Asian Development Bank (ADB), may 21.6 porsyento ng populasyon ng bansa ang nananatili sa kahirapan.

Sa kabila nito, matapos ang ilang dekada ng regional cooperation, may hindi maitatangging pagbabago sa ating bansa na tanda ng pag-angat—isa na tayo sa mga bansang magbibigay ng pondo para sa pangangailangan ng iba pang bansa sa pamamagitan ng ating magiging kontribusyon sa Asian Development Fund ng ADB.

Noong 1966, itinatag ang ADB ng may kasaping 31 na bansa upang itaguyod ang panlipunan at pang-ekonomiyang kaunlaran. Hinubog ito kawangis ng World Bank at partikular upang makatulong sa mga bansa sa Asia-Pacific Region.

Sinimulan nitong likumin noong 1974 ang tinatawag niyang Asian Development Fund (ADF).  Nagbibigay ang ADF ng pondo para sa mga kasaping bansa ng ADB na may mas mababang kita.  Noong una, nagpapautang ito nang magaan ayon sa kakayanan ng bansang umuutang na makapagbayad. Ang mga aktibidad na suportado ng ADF ay nagtataguyod ng paglaban sa kahirapan at pagpapabuti sa kalidad ng buhay sa mga bansa sa rehiyong Asya at Pasipiko.

Noong 2005, nagsimulang magbigay ng mga grant ang ADB at hindi lamang pautang.  Ibig sabihin, naggagawad ito ng pondong hindi kailangang bayaran ng ginawarang bansa subalit may mga kondisyon na lamang na kailangang pagtuunan ang tinutulungang bansa upang mapabuti ang lagay nito. Sa pagpasok ng 2017, tumutok nang husto ang ADB sa paggawad ng mga grant.

Ang mga ito ay nagmumula sa mga kontribusyon ng mga kasaping bansa ng ADB. Sa ngayon, may 66 na bansa sa ADB at 34 dito ang nakapagbahagi na sa pondo nito.  Kabilang sa mga bansang ito ang Australia, Austria, Belgium, Brunei Darussalam, Canada, People’s Republic of China, Denmark, Finland, France, Germany, Hong Kong, China, India, Indonesia, Ireland, Italy, Japan, Kazakhstan, Republic of Korea, Luxembourg, Malaysia, Nauru,  Netherlands, New Zealand, Norway, Portugal, Singapore, Spain, Sweden, Switzerland, Taipei, China, Thailand, Turkey, United Kingdom, at Estados Unidos.

Ngayong darating na Mayo, ayon sa ulat ng mga nangangasiwa sa ating ekonomiya, mapapabilang na ang Pilipinas sa listahang ito sapagkat may kakayanan na raw tayo bilang isang “upper middle income” na bansa upang magbigay ng kontribusyon sa ADF.

Sa loob ng mahigit na limampung dekada, kaagapay natin ang iba pang mga bansa sa ADB upang itaguyod ang kagalingan at kasaganaan ng buhay sa ating rehiyon.  Mula nang itayo ang ADB, ang Pilipinas ay tagatanggap lamang ng mga pautang at grant mula sa ADB kahit pa nga nakabase sa loob ng bansa ang mismong headquarters nito.  Ngayong taon,  makakapag-ambag na raw tayo ng higit pa upang patuloy na maging bahagi ng ADB.

Kung tutuusin, malinaw na may naging pag-angat na talaga sa ating ekonomiya nitong huling dekada.  Hindi man damang-dama pa ng marami, hindi maitatangging nagkakaroon ng pagbabago sa ating bansa.  Isa itong senyales na dapat magbigay pag-asa sa ating lahat—na nasa tamang direksiyon tayo, at patuloy lamang tayong aangat.

Editorial Opinyon Slider Ticker Asian Development Bank (ADB)

Pandemic?

March 4, 2020 by Pinas News

KUMAKALAT sa buong mundo nang mabilis at matinding makahawa — ito ang katangian ng tunay na pandemic.

Kung gayon, isa na nga bang pandemic ang novel corona virus (nCov-19) o ang ngayong opisyal na tinaguriang corona virus disease 19 o COVID-19?

Ngunit ayon sa World Health Organization (WHO) hindi pa ito isang pandemic.

Una, hindi pa ito kumakalat sa karamihan ng mga bansa.  Oo, milyun-milyon na ang naapektuhan at libo na ang namamatay sa COVID-19 subalit kontrolado ang mabilis na paglaganap nito. Kumpirmadong may kaso na nito sa 46 na bansa subalit sa tatlo lamang dito ang may naganap na malawakang pagkahawa.  Karamihan sa mga ito ang may halos tig-iisa hanggang tatlong kaso pa lamang ng impeksiyon.

Sa labas ng Tsina, sa South Korea, Italy, Iran, at Singapore natatalang lumobo ang pagkahawa sa COVID-19.  Subalit dahil sa mabilis na pagkilos at mahigpit na pagdesisyon ng mga pamahalaan doon, napigilan o napapabagal ang paglaganap ng COVID-19.

Upang maituring na isang tunay na pandemic, kailangan itong lumaganap pa ng higit sa buong mundo at maging mas nakahahawa pa kesa sa nadokumento na. Sino ba naman ang nais pang mangyari ito?  Oo, may potensiyal itong maging pandemic kaya dapat paghandaan ito. Patuloy ang mga otoridad sa pagpapaliwanag tungkol dito at paano ito maiiwasan habang naghahanap ang mga pantas ng isang gamot o vaccine para dito.

Sa ngayon ang nakakabahala ay ang mala-pandemic na paglaganap ng fake news hinggil sa COVID-19.  Nagkalat sa Internet ngayon ang kung anu-anong balita at huwad na kaalaman tungkol dito. Kaya nanganganib ang mga mahina ang kalusugan at may potensiyal na lalong mapasama ang kalagayan.  Nauunahan din ng takot ang mga mamamayan  dahil sa mga maling haka-haka at mga iresponsableng pagbabalita.

Dahil sa kumakalat na maling akala at balita, kailangan pang linawin ng WHO ang maraming bagay hinggil sa COVID-19. (Basahin ang artikulo ng WHO sa https://www.who.int/news-room/q-a-detail/q-a-coronaviruses para sa karagdagang impormasyon).

Halimbawa, hindi totoo na ang pagkain ng maraming bawang o pag-inom ng tubig na pinaglagaan nito ay makagagamot sa naipeksiyon ng COVID-19.  May magandang naidudulot sa katawan ang bawang subalit walang pag-aaral na nagpapakitang nakakatulong ito sa kaso ng COVID-19.

Nililinaw rin na hindi totoo na ang mga antibiotic ay nakakapigil na maimpeksiyon sa COVID-19.  Marami ang mga nagse-self medicate gamit ang mga antibiotic. Delikado ito.  Ang antibiotic ay panlaban sa bacteria.  Ang COVID-19 ay dala ng isang uri ng corona virus, hindi bacteria. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa.

Ikatlo, may mga nag-aakalang hindi ligtas na makatanggap ng mga sulat at iba pang padala mula sa China. Mali ito.  Ayon sa mga pag-aaral, hindi tumatagal ang corona virus sa mga bagay-bagay gaya ng mga sulat at mga package.

Ang maling kaalaman na mabilis kumakalat lalo na sa social media ang pandemic ngayon. Huwag  basta maniwala sa mga nababasa lamang. Makinig at magbasa ng mga opisyal na pahayag mula sa mga otoridad.

Sa bandang huli, ang pinakamainam pa ring paghahanda laban sa COVID-19 ang kalinisan at wastong pangangalaga sa ating katawan. Ugaliin ang tama at madalas na paghugas ng mga kamay.

Magtakip ng ilong at bibig kapag inuubo at bumabahing. Gawin din ito kapag mayroong inuubo sa paligid. Kung maayos naman ang kalusugan, hindi kinakailangan ang pagsuot ng mask bagkus magdala lamang lagi ng panyo bilang proteksiyon.

Editorial Opinyon Slider Ticker

Magandang Balita para sa Pambansang Inobasyon

February 27, 2020 by Pinas News

ABRIL 17 nitong nakaraang taon nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang isang bagong batas—ang Philippine Innovation Act of 2019 o Republic Act 11293 (PIA 2019).

Wala pang dalawang linggo, noong Pebrero 7, may kagalakang ipinahayag naman ng mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Trade and Industry (DTI), at ang Department of Science and Technology (DOST) na kanilang nilagdaan ang mga patakaran at regulasyon sa pagpapatupad o implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas noong Biyernes ng nakaraang linggo sa Pasig City.

Isang batas sa inobasyon?

Narito ang isang payak na kahulugan ng inobasyon — ang inobasyon ay hinggil sa paglikha ng mas mahusay na mga bagay o produkto, o ang pagkakaroon ng mga mas maayos na pamamaraan ng paggawa o mga proseso ng pagseserbisyo.  Sa madaling salita, hinggil ito sa mga mainam na pagbabago o mga pagbabagong magpapalago sa kabuhayan ng isang pamayanan.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, bago ang seremonya ng paglalagda sa punong tanggapan ng NEDA, ang bagong batas ay isang pagkilala sa kahalagahan ng pagbabago upang pasiglahin pa ang ekonomiya.  Wika niya, “Ang mga nakababatang henerasyon ay dapat maging interesado sa kalidad ng ating ekonomiya at lipunan.”

Binigyang diin ni Pernia na ang Pilipinas ay nasa ika-54 sa 2019 Global Innovation Index; pag-angat ng 19 notches mula sa dati nitong ranggo noong 2018 ayon sa isang panukat ng kakayanang magpausbong at magtulak ng inobasyon.

Tinitignan ng pamahalaan ang PIA 2019 na magpapahusay pa sa teknolohikal na kakayanan ng bansa.  Para nga kay DTI Secretary Ramon Lopez, makapagpapalakas sa iba’t ibang mga industriya na mayroon tayo ang bagong IRR ng batas.

Ayon naman kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, ang pagpapatupad ng batas ay pamumunuan ng isang National Innovation Council (NIC) na itatatag upang magsilbing advisory at coordinating body sa pagbabalangkas at pagsubaybay sa mga layunin ng pambansang inobasyon.  Ang nasabing Konseho ay pamumunuan ng Pangulo, at ang vice chairman ay ang direktor ng NEDA.

Kung babasahin ang batas at IRR nito, malinaw na makikita ang pagkiling ng mga ito sa makabuluhang pagbabago.

Una, mas nililinaw nito ang mga prayoridad ng pamahalaan. Halimbawa, sa listahan nito ng mga prayoridad ng mga sektor na dapat asikasuhin, nangunguna ang agrikultura, pangingisda o pamamalakaya, at edukasyon.

Ikalawa, malinaw ang pagpabor nito sa interes ng mga pinakamahihirap sa bansa sa paggamit ng katagang “poorest of the poor.”  Kaugnay nito, nakapokus din ang batas  sa pagtulong sa mga MSME o micro, small, at medium enterprises. Isang malinaw na pagkiling sa maliliit na negosyo.

Ikatlo, nakakaasa ito na palaganapin nang husto ang kaalaman ng mga pamayanan hinggil sa inobasyon, upang mapalakas ang partisipasyon nila sa usaping ito, lalo na kaugnay sa koordinasyon ng mga gawain ng ahensiya ng pambansang pamahalaan at ng mga lokal na pamahalaan.

Para naman masiguro ang lahat ng ito at mapatupad ang batas at IRR, may ilalaang panimulang pondo na isang bilyong piso para sa pambansang inobasyon.  Magiging revolving fund ito na maaring lumago pa taun-taon.

Magandang balita ito para ating lahat.

Editorial Opinyon Slider Ticker DTI Secretary Ramon Lopez National Innovation Council (NIC) NEDA NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 22
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.