Ni Kriztell Austria
INANUNSYO ni US President Joe Biden kasabay ng order nito ng pag-withdraw sa United States troops sa Afghanistan.
Sinabi ni Biden na hindi kailangang ipagpatuloy at wala siyang nakikitang rason para palawigin pa ang presensya ng militar sa Afghanistan.
Magsisimula ang pullout ng US troops sa Mayo a-1 at inaasahan namang matatapos ito sa Setyembre 11.
Samantala, nasa dalawang dekada na ang giyera sa pagitan ng us at Afghanistan, nagsimula ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa noong 2001.