Ni Vic Tahud
NAKABAWAS ng 40% ng hawaan ng COVID-19 ang vaccination ayon sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay World Health Organization’s Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, marami sa mga vaccinated na mga tao ang nag-iisip na ‘di na nila kailangang mag-ingat.
Ani Tedros, dapat pa ring mag-ingat ng mga taong nabakunahan na at sumunod sa mga patakaran.
Dagdag pa nito, maaaring makapag-ligtas ng buhay ang bakuna ngunit hindi nito tuluyang makapipigil sa hawaan ng COVID-19.
Base sa datos, noong wala pang Delta variant, aabot sa 60% na nakababawas ng hawaan ang vaccination ngunit ngayong nasa 40% na lamang.