Ni Vic Tahud
INUMPISAHAN na ng Moderna COVID-19 vaccine ang pamamahagi ng bakuna sa iba’t ibang healthcare facilities sa Amerika.
Ang pamamahagi na ito ng Moderna ay kasunod nang paglabas din ng bakuna noong nakaraang linggo mula sa Pfizer.
Ngayong linggo, balak ng gobyerno ng Amerika na maipahagi ang 5.9 million shots mula sa Moderna at 2 million naman mula sa Pfizer.
Target ng Amerika na mabakunahan ang 20 million Americans bago matapos ang taong 2020.