Sa Thailand…
Itinanghal ang 14 taong gulang na si Atthaya Thitikul bilang pinakabatang kampeon sa professional golf tournament.
Ito ay matapos maipanalo ni Thitikul ang laban kay Mexican Ana Menendez sa final day nang 2017 Ladies European Thailand Championship.
Dahil dito nagawa ng Thailand national na agawin ang titulong Youngest Winner of a Golf Tournament record kay Brooke Henderson na nanalo sa Canadian Woman Tour noong 2012.