Ni Karen David
NAGLAGDA na rin ang local government unit (LGU) ng Pasig City ng tripartite agreement sa UK vaccine maker AstraZeneca at national government.
Ito ang inanunsyo ni Mayor Vico Sotto sa kanyang twitter post.
Ayon kay Sotto, nag-order ang Pasig ng 400,000 doses ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng 100 milyong piso.
Depende naman aniya sa ilang factor ang actual quantity at petsa ng delivery.
Sinabi rin ng alkalde na bibili rin sila ng bakuna kontra COVID-19 sa iba pang kumpanya kapag may oportunidad.
Bukod sa Pasig, marami na ring LGU ang naglagda rin ng kasunduan sa AstraZeneca na isa sa nag-apply ng emergency use authorization (EUA) sa Food and Drug Administration.