Ni Karen David
UMABOT na sa 9,056 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa COVID-19 sa Valenzuela City hanggang kaninang alas 11 ng umaga, Enero 22.
Ito ay matapos makapagtala ang lungsod ng 37 na panibagong kaso ng coronavirus.
Pumalo naman sa 8,529 ang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng 47. Habang nananatili sa 263 ang bilang ng mga nasawi.
Ang kasalukuyang bilang naman ng mga aktibong kaso sa Valenzuela ay nasa 264.