Ni Vic Tahud
INILARAWAN ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na isang “kalokohan” ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at ng pamunuan ng University of the Philippines o ang tinatawag na UP-DND accord.
Naging kontrobersyal ang naturang kasunduan matapos itong wakasan ng DND ngunit ang hakbang ay hindi tinanggap ng UP.
Muling pinabulaanan ni Enrile na hindi siya nagkaroon ng kasunduan sa isang aktibistang estudyante at bakit din naman aniya magkaroon ng ganitong kasunduan sa UP lang.
Iginiiit pa ni Enrile, kung sakali mang pumasok siya sa nasabing kasunduan, ito ay pangako lamang niya bilang kalihim ng national defense sa panahon ng Marcos administration.
Maliban dito, ipinunto rin ni Enrile na kung mayroong ganoong kasunduan hindi aniya ito pangmatagalan, dahil dumaan nga rin aniya ito sa pamunuan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na sumunod sa kanya bilang kalihim ng DND.