Ni Vic Tahud
DAPAT ding tumanggap ng special risk allowance at hazard pay ang mga health worker na nagbabantay ng mga suspected at probable COVID-19 cases na nakalagay sa Bayanihan To Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ani Vergeire, lahat ng mga health workers ay dapat na tumanggap ng hazard pay kabilang na ang mga nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong ospital maging sa national o di kaya ay sa mga lokal na pamahalaan.
Inihayag ito ni Vergeire matapos magreklamo ang ilang mga health worker sa isang ospital sa Muntinlupa na hindi sila nakatatanggap ng hazard pay.
Hinikayat naman nito ang mga health worker na agad magpadala ng ulat sa kagawaran kung nakatatanggap ng benepisyo.