Ni Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, hindi pa major concern para sa Pilipinas ang South-African variant ng coronavirus.
Ayon kay Solante, dapat munang atupagin ng publiko ang pagbabakuna bago ang mga kumakalat na variants.
Mariin din niyang sinabi na mapoprotektahan pa ng kasalukuyang COVID-19 vaccines gaya ng AstraZeneca ang mga variant na nakapasok sa bansa.
Ibinahagi rin ni Solante na nakakadagdag ng katiyakan sa publiko kaugnay sa vaccines ang pagpapabakuna ng mga sikat na doktor.