Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAYA ang Hinirang na Anak ang wakas ng balangkas ng kaligtasan. Ang Hinirang na Anak ngayon ang Salita na naging laman. Siya ang katuparan ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan. Siya ang katuparan ng, “Ang Inyong kalooban ang matutupad sa mundo, ngayon.” Siya ang katuparan ng kalooban ng Ama sa mundo ngayon.
Tumungo ako sa dalawang bundok na iyon na likas ang katawan at pagkatapos ay pinalago ako, pinadala sa mundo na espirituwal ang katawan.
May isang likas na katawan, meron ding isang espirituwal na katawan. Ito ay isinulat sa 1 Cor. 15:45-49:
“Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adan ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay buhay. Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu. Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit. Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit. At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.”
Makalupa ako na kagaya ninyo. Isinilang ako mula sa aking mga magulang na mula sa makasalanang lahi ni Adan, ngunit nang ako ay lumabas sa bundok na iyon na matagumpay, dala ko ang imahe ng makalangit. Kaya kung bakit naaangkop akong tawaging ang Hinirang na Anak ng Ama, Hinirang na Anak ni Jesus Christ.
Ito ang katuparan ng Mga Taga-Roma 9:28: “Sapagka’t isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin.”
Dalawang bundok sa anim na taon ay isang napakaikling panahon. Isang mabilis na gawain ang Kanyang ginawa. Habang sa mga taong kanyang pinagkatiwalaan sa haba ng panahon — 2,070 taon sa Kapanahunan ng Hudyo at pagkatapos 1,935 taon sa Kapanahunan ng Simbahan — ang Ama ay gumawa ng mabilis na gawain sa akin at Kanya itong tinapos sa maikling panahon sa katuwiran. Sa anim na taon, sa dalawang bundok, ang lahat ay natupad sa akin bilang Hinirang na Anak.
Bakit narito ako ngayon? Ang Juan 4:34 ay nagsabi, “Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.” Tinapos ko ba ang Kanyang gawain? Oo, tinapos ko. Hindi ako narito para sa aking sarili. Narito ako para sa makasalanang sangkatauhan. Narito ako para sa lahat sa inyo na nananatiling nasa kadiliman hanggang sa araw na isara ng Ama ang mga pintuan ng arka. Sa lahat ng nasa loob ay makararanas din ng kadakilaan ng gloripikasyon, magsimula sa Hinirang na Anak.
Hebreo 7:28 ay nagsasabi, “Sapagka’t inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni’t ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man.”
Mga Taga-Efeso 2:18, “Sapagka’t sa pamamagitan niya tayo’y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama.”
ANG HARDIN NG EDEN AY NAIPANUMBALIK
Nirerekord ko ang mga yugto ng aking programang “Powerline” sa telebisyon sa Covenant Mountain Paradise Garden Eden Restored. Ito ay napakasimboliko dahil dito kungsaan ang lahat ay naipanumbalik. Ang Hardin ng Eden sa Middle East ay nawala dahil sa pagsuway ni Adan, ngunit sa pamamagitan ng pagsunod ng isang tao mula sa makasalanang lahi ni Adan, ang Hardin ng Eden ay naipanumbalik sa Malayong Silangan. Saan? Dito sa Pilipinas, sa Lunsod ng Davao, sa Tamayong, sa paanan ng Bundok Apo.
Ngayon tayo ay narito at tayo ay ginamit ng Ama upang ipanumbalik ang lahat ng bagay na binigay ng Ama sa akin, lalo na ang Kanyang lupain.
Kayo ang lupa ng Ama. Ang tunay na lupa ng Ama ay ang mga tao. Kayo ay nataniman ng binhi ng serpiente ni Satanas na si Lucifer ang demonyo na siyang nagdadala ng mga bunga sa laman. Ngayong nabunot na ang binhi ng serpente, at ang makatuwirang binhi ang naitanim sa atin, ang lahat ng mga bunga na ating dinadala ay mga bunga sa espiritu.
Ezekiel 36: 33-35: “Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo. At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan. At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan.”
Ano ang lupa na ito? Ito ba ang lupa na ating inaapakan? Hindi, una sa lahat, ito ay espirituwal. Ang tunay na lupa ay ang tao na siyang sinalanta ni Satanas na si Lucifer ang demonyo sa pamamagitan ng binhi ng serpente.
Sa paningin ng Panginoon kayo ay nasalanta, kayo ay nawasak, walang nakatira sa inyo kundi mga ahas. Ang lahat ng mga bunga ng laman ay naninirahan sa inyo. Una Niya akong nakita at Kanya akong itinatag, Kanya akong ginawa bilang Kanyang Hardin ng Eden at pagkatapos Kanya akong pinadala upang ipanumbalik kayong lahat at kayo ay magdadala ng mga bunga ng espiritu. At iyan lamang ang mga bunga na matatagpuan sa Hardin ng Eden ng Ama.
Ito ngayon ang nagpapadakila ng Ama sa pamamagitan ng Anak. Sa Mga Taga-Corinto 15, sinabi ni Pablo, “Ang inyong espiritu muna ang maluwalhati. Ang inyong espiritu muna ang malinisan. Ang inyong espiritu muna ang mabago.”
Kapag kayo ay nagsisisi at ang bagong espiritu ay naitanim sa inyo, na siyang ang espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama, sa kaluwalhatian, ang pagbabago na mangyayari ay magiging espirituwal muna at ang pisikal ay lalamunin ng espirituwal. Ang mortal ay lalamunin ng immortal at ang koruptible ay lalamunin ng ingkoruptible.
Ang unang yugto ay espirituwal, ang ikalawang yugto ay pisikal. Kaya ang kaluwalhatian ay mangyari ngayon. Ang bawat isa na nabinyagan at nakapagsisisi ay may bagong espiritu. Sila ay nailuwalhati sa Bagong Herusalem.
Saan kayo nailuwalhati? Sa inyong Bagong Herusalem. Ito ang lugar ng Ama. Ang Bagong Herusalem ay isang lungsod na pinaninirahan ng espiritu ng Dakilang Ama at ang mga anak na lalaki at anak na babae, na mga espiritu, at meron ding mga espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Kayong lahat ngayon ay naroroon na. Ito ang arka ng ating kaligtasan, at kapag dumating na ang pagkakumpleto ng panahon, lahat ng tinawag sa espirituwal na Bagong Herusalem, ay magbabago sa pisikal. Hindi ko alam kung kailan. Alam ko ang araw, alam ko ang buwan, ngunit hindi ko alam ang taon. Alam ko kung paano, alam ko kung saan, alam ko ang kailan sa parsyal. Ngunit ang huli ay napakanakakapanabik.
Kung sabihin ng Ama, “Ang taon ay 2018.” Praise the Father! “Ang taon ay 2019.” Praise the Father! “Ang taon ay 2020.” Praise the Father! Dahil ang huling kaaway na lulupigin ay ang Kamatayan.
1 Mga Taga-Corinto 15:26: “Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.”
Kaya sa wakas ang kaluwalhatian ay mangyayari. Sasabihin ko sa lupa bye-bye. Hindi ko na iyan mararanasan. Sa sandaling maranasan ko iyan, hindi ako mananatili doon ng matagal. Sigurado ‘yan. Iyan ang patungkol sa kaluwalhatian.
Ito ang balangkas ng kaligtasan. Ang lahat ng bagay ay natapos na, nakumpleto na. Narito lamang ako nag-aantabay sa aking panahon. Habang narito ako, gagawa ako na parang ito ay mangyayari sa 1,000 taon. Ngunit mamumuhay ako sa bawat araw na parang ito ay mangyayari ngayong oras.
Tayong lahat ay napailalim sa Kalooban ng Ama. Hindi ko alam ang ministeryong itong itinalaga sa akin, hindi ko ito planado. Walang nagplano rito. Hindi ito planado ng aking mga magulang. Ito’y planado lahat ng Ama kabilang ang wakas ng wakas. Praise the Father!
-WAKAS-