Ni Arjay Adan
SASALI si Pugilist Eumir Marcial sa Philippine National Boxing Team sa nalalapit nitong camp sa Thailand.
Muling lalahok si Marcial sa team habang pinaghahandaan ang Tokyo Olympics ayon kay Ricky Vargas, presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines.
Sa ngayon ay nasa United States si Marcial kung saan nage-ensayo ito sa ilalim ni Fredie Road sa Wild Card Gum bilang isang profesional boxer.
Wika ni Vargas, naka-usap na nila si Marcial at siniguro na naipaliwanag na nila dito kung anong klaseng training program ang gusto nilang gawin ng boksingero.
Sinigurado rin ni Vargas kay Marcial na sasagutin nila ang lahat ng gastos ng paglipad ni Marcial mula Los Angeles patungong Thailand.
Ngunit ani Vargas ay kailangan pa ring magpaalam ni Marcial sa management nito na Manny Pacquiao’s MP Promotions bago ito pormal na makalahok sa national team.