• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - January 19, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Teknolohiya

Gumamit ng clean drive para mas tumagal ang inyong computer

December 30, 2019 by PINAS

PANGALAGAAN ang computer sa pamamagitan ng clean drive.  

 

NI: MARILETH ANTIOLA

HALOS lahat na ng tao sa buong mundo ay marunong nang gumamit ng compute at mayroon ding mga computer sa kanilang tahanan. Ngunit may iba pa rin na hindi alam ang wastong pag-aalaga at paglilinis sa kanilang mga computer para mas lalo itong tumagal at hindi agad-agad masira.

Napakaraming gamit ng computer sa buhay ng tao, mapatrabaho, gaming, chatting, sa social media. Halos lahat ay hindi magpapahuli sa kanilang mga Facebook post at story at syempre malaking ambag ang computer sa mga nag-aaral para sa kanilang mga school work, research at marami pang iba.

Mahalaga ang paggamit ng clean drive upang maprotektahan at tumagal ang mga computer.

Maraming klase ng mga clean drive na maaring i-install sa mga computer. Ang iba rito ay libre lamang ngunit mayroon ring may bayad.

Ang paglilinis ng iyong computer sa tulong ng clean drive ay mahalaga sa pagpapanatili nitong maayos at makakatulong upang maiwasan ang mga virus na maaring magkaroon sa inyong mga computer kung hindi ninyo ito wastong nalilinis. Malaki rin ang posibilidad na ma-corrupt o mawala ang mga naka-save na mga files sa inyong computer.

Kaya huwag niyo nang hintayin na magloko, mawala ang inyong mga files at masira agad ang inyong mga computer, agapan niyo agad, gumamit na agad ng mga clean drive upang mapanatiling malinis, maprotektahan ang inyong mga files at mas tumagal pa lalo ang inyong mga computer.

Slider Teknolohiya Ticker

HazardHunter mobile app aprobado na

September 9, 2019 by PINAS

 

Ni: STEPHANIE MACAYAN

 

KASABAY ng anibersaryo ng 1990 Luzon earthquake ang paglunsad ng mobile application na HazardHunter na pinangunahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga lugar na hazard-prone.

 

Ang HazardHunterPH ay bumubuo ng assessment reports sa lokasyon ng gumagamit, mayroon itong summary ng seismic movements o paglindol, volcanic, at mga hydro-meteorological hazard. Mababasa rin dito ang mga rekomendasyon at eksplanasyon tungkol sa mga panganib.

 

Ibig sabihin ang gumagamit ng app na ito ay makikita ang napiling lokasyon at malalaman agad kung ito ba ay binabaha o malapit sa active fault at iba pang mahalagang impormasyon.

 

Kailangan lamang i-type ang lokasyon sa search bar ng HazardHunterPH sa mobile o website, at doblehin lamang ang click o i-tap sa mapa upang pumili ng lokasyon.

 

 

Ang hazard assessment report ay makikita pagkaraan lamang ng 15 segundo, kasama ang mga trivia tungkol sa lindol at iba pang mahahalagang impormasyon.

 

Sa isinagawangg 39th Cabinet Meeting sa Malacañang Palace noong Hulyo 1, in-aprobahan ni President Rodrigo Duterte ang dalawang mobile app na maaaring magamit ng gobyerno upang makolekta ang mga datos para sa environmental hazard at agarang makapagresponde sa kalamidad.

 

“(These technologies were) approved by the President and the Cabinet,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

 

Sabi niya na isa sa mga teknolohiya ng GeoRisk Philippines Initiative ay nangangailangan ng mas maayos na pagkuha ng datos para sa environment hazards.

 

“It is an integrated system or database where one can map or locate hazards in a specific location and view it on an application called the Hazard Hunter Philippines,” dagdag pa niya.

 

Sinabi rin ni Panelo na ang isa pang mobile application ay ang Situation Data Mapper na tumatanggap ng “real time assessment on a situation and can provide analysis for high level decisions for disaster response.”

 

Ayon sa DOST nire-rekomenda nila na lahat ng Local Government Units ay magbigay ng update at datos ng hazard information ng bawat sakop na lugar upang mapalawak ang sistema.

 

Slider Teknolohiya Ticker DOST Presidential Spokesman Salvador Panelo Stephanie Macayan

Kumpleto ang lineup ng Apple sa 2020 na iPhone upang suportahan ang 5G

September 2, 2019 by PINAS

STEPHANIE MACAYAN

 

Nangungunang analyst ng Apple na si Ming-Chi Kuo ng TF Securities ay sinabing ang tatlong 2020 iPhone models ng Apple ay magkakaroon ng 5G upang makipagsabayan at kumpetensya sa mga 5G Android devices.

 

Hindi pa man naglalabas ng opisyal na anunsyo ang Apple patungkol sa kanilang 5G smartphone na plano sa publiko, si Kuo ay naglabas ng sulat sa mga investors na ang Apple ay nagpa-plano na sa buong 2020 iPhone portfolio at su-suportahan ang 5G connectivity nito.

 

Ayon kay Kuo, ang layunin ng Apple ay matiyak sa kanilang consumers na may option ito na kayang makipagkumpetensya sa mga murang Android phones na sumusuporta sa 5G.

 

Nagdagdag pa siya ng dalawa pang rason kung bakit bibigyan ng Apple ang pinakamababang modelo nito, ang Apple ngayon ay may mas madami ng mapagkukunan upang mapalawak ang ganitong teknolohiya, salamat sa kamakailang pagkuha ng modem chip division ng Intel, at makakatulong ito sa pagbuo ng AR ecosystem nito.

 

“Apple has more resource for developing the 5G iPhone after the acquisition of Intel baseband business,” sabi ni Kou sa kaniyang note. “We expect that the prices of 5G Android smartphones will decline to $249–349 USD in 2H20,” dagdag pa niya, “consumers will think that 5G is the necessary function” sa oras na ito ay mailabas na.

 

Sa taong ito ay inaasahang makikita ang paglulunsad ng mga 5G smartphones kasama ang Huawei’s Mate X, Samsung’s S10 at Galaxy Fold, at Motorola’s Moto Z3.

 

Kahit na ang Apple ay malayo mula sa unang kumpanya na nag-aalok ng  5G-supporting device, kapag naglulunsad ito sa susunod na taon magkakaroon ito ng pinaka-komprehensibong linya ng produkto sa industriya.

 

Ang 5G ay isang mas mabilis na teknolohiyang wireless network na nagsisimula pa lamang makilala sa United States.

 

Slider Teknolohiya Ticker 5G Ming-Chi Kuo Samsung's S10

Nauusong 10 makabagong gadgets ngayong 2019:

August 27, 2019 by PINAS

 MELROSE MANUEL

 

Lenovo Smart clock with google assistant

Ito ay hindi malayo sa ibang ginagamit nating screen sa ating tahanan, ngunit ito ay may kakayahang makatulong sa panahon ng iyong pagpapahinga o pagtulog, hindi lamang pang alarm para ikaw ay magising ngunit  maaari din itong gamitin na pang charge ng phones. Maaari din itong mai-connect  sa Google Assistant para makatulong pa sa ibang gawain sa pamamagitan lamang ng inyong boses.

  1. Withings Move Activity and Sleep Watch

Ito ay ang pinakabagong labas na smartwatch  mula sa Withings ngayong 2019.  May battery life ito hanggang 18 months at kayang kaya rin nitong ma-monitor lahat ng iyong ginagawa. Water resistant din ito at may GPS tracker .

  1. Mophie Juice Pack Access

Ito ang pinaka-praktikal sa lahat ng mga gadgets na lumabas ngayong 2019. Ang Mophie Juice Access ay isang portable charging case ng Apple iPhones na hindi na kailangang gamitan ng lightning port. Nakukuha ng nasabing gadgets ang power mula sa Qi wireless charging pad at charging cable kung saan aabot hanggang 31 hours ang battery life ng inyong cellphones. May kakayahan naman itong maprotektahan ang inyong phones. Ito ay maaaring gamitin ng Xs Max, Xs/x at XR iPhones.

  1. Wavely ambassador translator

Ang gadget na ito ay napapadali ang pakikipag-usap sa ibang taong may ibang dayalekto. Ang wavely Labs ay isang audio device na mabilis makapagtranslate. Maraming paraan sa paggamit nito, ngunit ang pinakamadali at madalas na ginagawa ay  kinakabit sa tainga ang isang pares nito habang hawak naman ng kausap ang isa. At kahit magkaiba sila ng salita ay maari na silang magkaintindihan.

  1. Ember 14 oz. temperature control mug

Ang Gadget naman na ito ay may internal heating technology para panatilihing mainit ang natimplang kape. Maaari rin itong makontrol ang temperatura ng inyong kape sa pamamagitan ng apps na naka-connect via Bluetooth.  Ang 14-ounce version  ng ember ay isa sa pinakabagong labas ngayong 2019 na sadyang makakatulong sa ating morning routine.

  1. Bose frames audio sunglasses

Ito ay sunglasses na may wireless earbuds. Ang frame nito mismo ang magpapatugtog ng musika na mula sa inyong phones via Bluetooth connection na ikaw lamang ang makakarinig.

 

  1. Betas Powerbeats Pro Totally Wireless Earphones

Ito ay isang wireless gadget na may high-performance earphones. Maaaliw  talaga ang gagamit nito dahil umaabot ang battery life nito hangang 9 hours . Ito ay talagang may katibayan, adjustable at may secure-fithooks para maging  komportableng gamitin kahit ano pang galaw ang gawin. Water resistance rin ito kaya kahit pawisan pa ang gagamit ay pwedeng pwede. Ang Betas Powerbeats Pro earbuds ay may charging case rin na madaling bitbitin.

  1. KitchenAid Cook Processor Connect

Ang cook processor ay isang all-in-one na appliances kung saan maari itong maglaga, prito, gisa, magmasa, mag-chop, mag-giling, mag-mix, at maghalo. Ito ay talagang multi-function para tumulong sa mga gawaing kusina.  Sa pamamagitan ng isang app ay maari nitong lutuin ang halos 100 na recipe na naka program dito.

  1. Wireless power bank

Ang wireless power bank ay mas madaling gamitin dahil hindi na kailangan ang connector. Ipapatong lang ang phone dito at magchacharge na ito.

  1. Samsung 55″ The Frame QLED Smart 4K UHD TV

Isa talaga itong amazing television dahil nagmumukha itong isang art work kung naka ‘off’. Hindi rin nito masasayang ang espasyo ng bahay dahil customizable ang frame nito at maaari itong ma-blend sa kulay ng bahay niyo. Kayang kaya din nitong madetect ang kulay ng paligid at awtomatiko nitong e-babalanse ang brightness at colour tone nito. Madali lang din itong madisplay dahil isasabit lang ito tulad sa mga frame at walang masyadong nakakabit na wire o cords na nakakasira sa desinyo nito.

 

 

 

Slider Teknolohiya Ticker Apple iPhones Lenovo Melrose Manuel

Mga nangungunang thermostat ngayon sa merkado

August 19, 2019 by PINAS

STEPHANIE MACAYAN

 

SA bilis ng pagdami ng makabagong teknolohiya sa merkado ngayon, nararapat lamang na maging updated ang lahat para lubos na mapakinabangan ang mga gadgets, appliances, computers, mga high-tech na sasakyan at makina.

 

Ngunit, higit sa lahat,  alamin natin kung ano-ano ang mga available na best smart thermostat sa ngayon at kung paano ito gamitin.

 

May mga thermostat na kayang kontrolin ang temperatura sa loob ng bahay at kaya rin nitong pababain ang bayarin sa kuryente.

 

Mayroon din na kayang pag-aralan ang iyong routines at awtomatiko itong maga-adjust ng temperatura kahit ikaw ay natutulog. Maaaring kontrolin ito sa pamamagitan ng voice commands at maaari nang i-adjust ang temperatura ng bahay o di kaya ng bawat kwarto. At ang maganda pa dito, kahit nasaan ka man, out of town o kahit pa out of the country pwedeng-pwede mo itong i-voice command. Ang ganitong feature ng smart thermostat ay nagbibigay sa gumagamit nito ng pagkakataon na ma-monitor ang temperatura ng silid tulugan o kahit ng buong bahay.

 

Ngunit, kahit na walang duda sa ginhawang dulot ng smart thermostat sa ating buhay, hindi pa ito abot-kaya ng karamihan. Tulad ng makabagong teknolohiya na bago palang sa merkado, may kamahalan ang mga ganitong kagamitan para sa bahay.

 

Kaya dapat magkaroon ng criteria sa pagbili nito at maaari rin na ibase ang desisyon kung bibili nito sa masusing pag analyze ng mga selling points ng mga iba’t-ibang smart thermostat sa pamilihan tulad ng people’s choice at budget friendly.

 

Narito ang ilang smart thermostats na maaring makita at mabili sa merkado base sa tinaguriang “people’s choice” at “budget friendly.”

 

  1. Honeywell RTH9580WF. Isa ito sa pinaka malaking brand ng thermostat sa business at ito ang second generation ng Wi-Fi Smart Color Thermostat na isa sa top budget-friendly na thermostat.

 

  1. Nest Thermostat E. Ito naman ay walang custom info kung saan dapat pinapakita  ang oras at kasalukuyang weather forecast. Pero kaya nitong awtomatikong kontrolin ang temperatura ng silid, nasa bahay ka man o wala.

 

  1. Nest Learning Thermostat (3rd Generation). Ang produktong ito ay madaling gamitin at mabilis nitong mapag-aralan ang iyong routines. Meron itong built-in sensors na kayang mag detect kung may tao ba sa bahay upang ma-kontrol nito ang temperatura. Kaya rin nitong ma-locate at ma-track ang iyong cellphone upang maging remote control ng thermostat.

Slider Teknolohiya Ticker smart thermostats Stephanie Macayan

Teknolohiya at social media, ok sa mental health

July 30, 2019 by PINAS

Makikita sa larawan ang pag-uusap ng dalawang magkasintahan sa pamamagitan ng social media na nakakatulong sa kanilang long distance relationship.

 

Vick Aquino Tanes

 

ALAM ninyo bang nakakahasa raw ng kaisipan at kalusugan ang responsableng paggamit ng social media at teknolohiya, ayon sa mga eksperto.

 

Ayon kay Dr. Bernard B. Argamosa, psychiatrist ng Department of Health-National Center for Mental Health, kung responsable lamang sa paggamit ng teknolohiya ay walang mangyayari dahil malaki ang naitutulong nito para sa lahat.

 

Dagdag pa nito, hindi lamang ang mga kabataan ang naaapektuhan ng maling paggamit ng social media kundi maging ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakararanas ng depresyon.

 

“Ang technology ay nandiyan na, wala na tayong magagawa diyan. Kailangan lang ay gamitin ito ng responsable. Katulad sa paaralan na kung saan ay marami na ang nabu-bully at ginagamit pa ang social media para ipaalam sa madla ang kanilang ginawa,” paliwanag ni Argamosa.

 

“Maniwala kayo sa hindi, mayroon kaming nakikitang umuuwi na. Nasa 20 hanggang 30 OFW kada buwan mula pa sa Saudi Arabia o sa Middle East ang nakararanas ng psychotic symptoms na lubos na nakakaalarma,” dagdag pa nito.

 

Ang social media ay nakatutulong sa mga OFW na magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga pamilya.

 

“Basta may libreng internet lang may communication na pero saan nagkakaproblema? Kapag umuwi sila dito, kakain ang pamilya nang sabay-sabay pero hindi na sila nag-uusap kasi kaharap ang kaniya-kaniyang telepono, ayun ang negatibong epekto ng social media,” ayon sa doktor.

 

Base sa pag-aaral, nagkakaroon ng negative effect ang social media kapag hindi na nag-uusap ang mag-anak at nakatuon lahat sa kanilang hawak na cellphone, iyon ang nakasisira ng pamilya at social bonding na sana ay maiwasan.

 

Samantala, ayon kay Cel Gonzales, quality control director ng One Algon Place, isang rehabilitation center para sa may drug and alcohol addiction, nakakaapekto ang teknolohiya sa mga laro na nagiging addict dito ang isang manlalaro na naaapektuhan na ang kanyang mental health.

 

Naka-focus na umano ang mga kabataan ngayon sa paglalaro ng games na tulad ng mobile legends, clash of clans at iba pa na halos pinagpupuyatan na at maging ang kanilang oras para sa sarili at pamilya ay napapabayaan na.

Slider Teknolohiya Ticker Cel Gonzales Dr. Bernard B. Argamosa Vick Aquino Tanes

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 11
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.