HANNAH JANE SANCHO
ISINAILALIM sa lockdown ang Presidential Security Group (PSG).
Ito ay ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante III sabay paglilinaw na ang naturang lockdown ay para lamang sa lahat ng PSG personnels.
Nire-require ngayon ni Durante na sumailalim sa self-quarantine ang mga tauhan ng PSG kung saan walang pinahihintulutan sa kanila na lumabas ng Malacañang Complex hanggang Abril 10.
Mananatili naman ang skeletal workforce ng Office of the President at maaari silang makapunta sa kani-kanilang mga opisina sa loob ng Malacañang Complex para maipagpatuloy ang trabaho subalit dadaan pa rin ang mga ito sa regular na screening procedures.
Matatandaang nalusutan ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap ang PSG pagpasok sa Palasyo para sa isang pagpupulong dahil sa hindi nito pagdeklara sa pinirmahang health declaration form katulad na lamang ng pagkakaroon nito ng ubo at direct contact sa mga taong positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).