• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Ticker

Lalawigan ng Cebu, walang balak magpatupad ng lockdown

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: BRYAN CAPUNONG

WALANG balak magpapatupad ng lockdown ang probinsya ng Cebu, kahit pa nakapagtala na ng unang kaso sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan.

Ito ang napagdisisyunan ng mga top officials ng Cebu sa isiginawang pagpupulong kaugnay pa rin sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia, sapat na ang kanilang ginawagang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit sa probinsya.

Kung magpapatupad anya ng lockdown ang lalawigan, ayon kay Garcia siguradong apektado ang ekonomiya ng probinsya.
Maapetukhan din ang pagpasok ng mga produkto at suplay na galing sa mga lungsod at bayan na sakop ng lalawigan.

Kasama na rin na maapektuhan kung ipapatupad ang lockdown ang pag-uwi ng mga trabahante sa kanilang tahanan lalo na kung nakatira ang mga ito sa labas ng Metro Cebu.

Matatandaang nagpapatupad na ang lalawigan ng boarder control sa lahat ng pantalan at airport upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa probinsya.

Istriktong ipapatupad na rin ang one meter social distancing policy sa lahat ng mga publikong sasakyan lalawigan.

Patuloy namang nanawagan si Garcia sa mga sugbuanon na manatili nalang sa mga bahay, ugaliing gawin ang maayos nga personal hygien at manatiling kalmado kahit pa nagpapatuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Samantanla, nakatakdang magbigay ng libreng bigas ang lungsod ng Cebu sa mga residenting apektado sa ipanatupad na community quarantine sa lungsod.

Probinsyal Slider Ticker Cebu Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) COVID-19 lockdown walang balak magpatupad ng lockdown

Christian Wood ng Detroit Piston, nagpositibo rin sa COVID-19

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: MELROSE MANUEL

NAGPOSITIBO sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang manlalaro ng Detroit Pistons na si Christian Wood.

Ayon ito mismo kay Shams Chrania ng The Athletic at dagdag pa nito ay hindi nakitaan ng kahit na anong sintomas si Wood.

Si Wood na ang ikatlong NBA player na nagpositibo sa nasabing virus at ito ang una na hindi miyembro ng Utah Jazz.

Matatandaan na una nang nagpositibo sa COVID-19 sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell nitong nakaraang linggo lamang.

Sa ngayon, ang mga player na nagpositibo sa virus ay sumailalim na sa quarantine at kailangan munang makarekober ang mga ito bago pa pag-isipan ng liga na muling simulan ang naudlot nitong season.

Slider Sports Ticker Christian Wood Christian Wood ng Detroit Piston nagpositibo rin sa COVID-19

Christopher de Leon, nagpositibo sa COVID-19

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: EYESHA ENDAR

KINUMPIRMA ng aktor na si Christopher de Leon na nagpositibo ito sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa aktor wala siyang travel history at wala rin itong matandaan na nakahalubilo na kontaminado ng virus.

Ngunit dahil sa kanyang trabaho, sinabi nito na marami itong nakakasalamuha.

Dahil dito, hiniling ng aktor sa lahat ng kanyang nakahalubilo simula noong nakaraang linggo na mag-self-quarantine at sundin ang mga paalala ng Department of Healht (DOH).

Sa ngayon, sumasailalim na ang kanyang asawa, anak at mga kasambahay sa self-quarantine.

Showbiz Slider Ticker Christopher de Leon COVID-19 nagpositibo sa COVID-19

Korean actor na si Moon Ji Yoon, pumanaw na

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: MELROSE MANUEL

PUMANAW na ang Korean actor na si Moon Ji Yoon sa edad na 36.

Kinumpirma ito ng pamilya nito kagabi matapos lumabas sa ilang local news agency ang pagkasawi ng aktor.

Ayon pa sa family nito, pumunta ng ospital si Ji Yoon dahil sa severe soar throat pero dahil lumala ang kondisyon nito ay dinala ito sa intensive care unit (ICU).

Dagdag pa nito, nawalan ng malay ang aktor at hindi na ito nakarekober pa.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Moon Ji Yoon matapos makumpirma ang pagkasawi nito.

Si Moon Ji Yoon ay unang lumabas sa K-Drama na “Romance” noong 2002 at napabilang sa cast ng Hyunjung, I Love You,” “Sassy Girl Chunhyang,” “Iljimae,” “Big,” “May Queen,” “Cheese in the Trap,” at “Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo,” maging ang palabas na “Mr. Wacky,” “Cheese in the Trap,” “Whatcha Wearin’? at iba

Showbiz Slider Ticker Korean actor na si Moon Ji Yoon pumanaw na Moon Ji Yoon

Partner na positibo sa buhay, nakakatulong sa kalusugan ng katipan

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: JONNALYN CORTEZ

NATUKLASAN sa isang bagong pag-aaral na ang pagiging positibo sa buhay ay nakakatulong sa kalusugan ng kanilang mga katipan na mag-aalis naman sa kanila sa panganib ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease, dementia at cognitive decline habang tumatanda.

Ayon sa assistant professor ng psychology at co-author ng pag-aaral ng Michigan State University na si William Chopik, marami sa atin ay madalas kasama ang ating mga katipan. Dahil dito, maaari nila tayong hikayatin na maging malusog, kumain ng tamang pagkain, uminom ng ating bitamina at mag-exercise upang lumakas ang ating katawan.

“When your partner is optimistic and healthy, it can translate to similar outcomes in your own life. You actually do experience a rosier future by living longer and staving off cognitive illnesses,” paliwanag ni Chopik.

Ang katipan na may positibong pananaw sa buhay ay maaari tayong hikayatin na magkaroon ng healthier lifestyle.

Kapag ang ating asawa o boyfriend/girlfriend ay huminto sa paninigarilyo o nagsimulang mag-exercise, malamang na gagawin din natin ito.

Ilan sa mga risk factors ng maaaring pagkakaroon ng sakit, tulad ng Alzheimer’s disease o dementia, ay ang hindi pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Kaya naman, ang pagpapanatili ng tamang timbang at pagkakaroon ng mga pisikal na aktibidad ay maaari tayong ilayo sa mga mapanganib na sakit na ito.

At kung may partner kang optimistic, tiyak makakatulong sila upang baguhin ang iyong mga dating nakaugalian at itama ito.

“There’s a sense where optimists lead by example, and their partners follow their lead,” dagdag ni Chopik.

Ayon sa mga mananaliksik, merong posibleng koneksyon ang pagiging kasal sa taong optimistic at pagpigil sa pagkakaroon ng cognitive decline dahil na rin sa pagkakaroon ng masayang kapaligiran sa loob ng bahay.

“While there’s some research on people being jealous of their partner’s good qualities or on having bad reactions to someone trying to control you, it is balanced with other research that shows being optimistic is associated with perceiving your relationship in a positive light,” wika ni Chopik.

Buhay Slider Ticker Kalusugan positibo sa buhay

Benepisyo ng avocado oil sa katawan at balat

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: JONNALYN CORTEZ

DATI nang sumikat ang avocado dahil na rin sa avocado toast, isama mo pa diyan ang shake at iba-iba pang pagkain na nilalagyan nito.

Ngunit alam ba ninyo na hindi lamang mainam ang avocado sa katawan at kalusugan kundi pati na rin sa balat?

Ang avocado oil, na mula sa pinigang pulp ng avocado, ay karaniwan nang ginagamit sa pagkain.

Maihahalintulad ito sa olive oil, ngunit meron itong mild, smooth at buttery na lasa.

Hindi pa ito karaniwang ginagamit sa bahay-bahay, ngunit inaasahan na magiging pangunahin itong bilihin at may global market value ngayon na tinatantiyang nasa $453 milyon na maaaring tumaas hanggang $646 milyon sa 2026.

Ang nakatakdang demand sa avocado oil ay sinasabing dahil sa pagtanggap ng mga beauty brands dito dahil na rin sa dulot nitong skin-boosting benefits.

Benepisyo sa katawan

Masasabing umaapaw sa nutritional benefits ang avocado oil.

“They’re a fantastic nutrient dense food source, packed full of healthy monounsaturated fats, high in energy and micro-nutrients,” wika ng nutritionist na si Gabriela Peacock.

Ilan dito ay vitamins A, B, C, D, E at minerals na tulad ng iron, magnesium, copper, potassium, omega-3, at beta-carotene. Punong-puno rin ito ng fatty acids.

“All these nutrients can help to support healthy systems functions when consumed as part of a healthy and balanced diet,” dagdag ni Peacock.

Ang mga taglay nitong nutrients ay makakatulong upang panatilihing malusog ang ating puso, pababain ang kolesterol, pabutihin ang kalusagan ng mata at labanan ang inflammation, katulad ng arthritis.

Benefits sa balat

Ang kombinasyon ng bitamina at antioxidants ay malaking tulong upang mapaganda ang ating balat.

Ang fatty acids ay pangunahing sangkap upang ma-regenerate, rebuild at bigyan ng bouncy boost ito.

Ang mataas na dosage naman ng phytosterols sa langis ng avocado ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkawala ng moisture at panatilihing hydrated ang balat.

Makakatulong naman ang antioxidants upang i-neutralize ang free radicals na umaatake sa skin cells. Nakakatulong din ito upang mag-produce ng collagen ang ating katawan.

“Using it topically can allow the oils to soften and hydrate the skin from the outside making it appear plumper and brighter. And it’s completely natural: no chemicals, additives or perfumes,” paliwanag ni Peacock.

Lifestyle Slider Ticker Benefits sa balat Benepisyo ng avocado oil sa katawan at balat Benepisyo sa katawan

  • « Previous Page
  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • …
  • Page 645
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.