Ni Angel Pastor
IBINAHAGI ng Filipina-American ang Pinoy pride na si Thia Megia ang pagkakanomina nito sa Emmy Awards 2020.
Natanggap ng 25-year singer ang nominasyon sa “Outstanding Young Performer In A Drama Series” sa Daytime Emmy Awards, dahil sa kanyang pagganap bilang si Haley Chen sa award-winning US drama series na “Days of our lives.”
Sinabi nito na hindi pa rin siya makapaniwala sa malaking biyayang kanyang natanggap na niya, na aniya’y isang karangalan ang maging bahagi ng critically-acclaimed show, kaya naman nagpapasalamat ito dahil nabigyan pa siya ng pagkilala ng National Academy of Television Arts and Sciences (NATAS).
Ibinahagi rin ng singer na muntik na niyang tanggihan ang role sa TV show noong 2018 dahil aniya nais niyang mag focus sa kanyang music career.
Gaganapin naman sa isang virtual ceremony ang 47th Daytime Emmy Awards sa June 26.