Pinas News
Sinalakay ng mga pulis ang bahay ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak sa Kuala Lumpur.
Ayon sa otoridad bahagi ang naturang aksyon ng pulisya sa kinasangkutan ng dating opisyal na maanomalyang paggamit ng pera mula sa state fund.
Isa lang ang bahay ni dating former Malaysian Prime Minister Najib Razak sa 5 properties na sinalakay ng otoridad.
Ito ay may kaugnayan sa imbestigasyon na isinasagawa laban sa dating opisyal kaugnay sa 1 Malaysia Development Berhad scandal.
Ayon sa Malaysian Police, kabilang sa sinalakay nila ang opisina ni Najib at mga pag-aaring bahay nito.
Dagdag pa ng otoridad, nangangalap sila ng mga impormasyon o ebidensya kaugnay sa kinasangkutan na kaso ng dating prime minister.
Ang multi bilyong dolyar na scandal sa 1MDB, na itinayo ni Najib, ay iniimbestigahan ng 6 na bansa kabilang ang Estados Unidos.
Mariin namang itinanggi ni Najib ang alegasyon laban sa kanya.
Natalo si Razak sa beteranong politiko na si Mahathir Mohamad sa katatapos lamang na parliamentary election sa Malaysia.