NI: JANNETTE AFRICANO
Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga taga-Las Piñas sa tuwing ginaganap ang Water Lily Festival.
Sa Water Lily Festival hindi mawawala ang paligsahan ng street dancing na pinalalabanan ng iba’t ibang eskwelahan mula sa Las Piñas City.
Limang paaralan ang naglaban laban ngayong taon upang makamit ang P50,000 na papremyo sa mananalo ng grand champion.
Kabilang sa mga lumahok ay ang 5-LP East National High School, LPENHS Talon 4 Annex and LPENHS Equitable Village, LP North National High School, CAA National High School and Group 2-Las Piñas Science High School, Group 4-Las Piñas National High School and LPNS Gatchalian Annex.
Samantala, nagwagi sa street dancing competition ang mga kinatawan mula sa Group 1(Golden Acres National HS, TS Cruz National HS at Las Piñas National HS) na tumanggap ng trophy at P50,000 cash.
Itinanghal naman na Miss Las Piñas Water Lily 2017 si Hajer Ashraf ng Brgy. Talon Dos makaraang talunin ang 15 pang kandidata na kumakatawan sa mga barangay ng Las Piñas City.
Ang Waterlily Festival ay “brainchild” ni Sen. Cynthia A. Villar at inilunsad noong 2005 para ipakita ang pagmamahal ng siyudad sa kalikasan na nagbibigay ng buhay at pangkabuhayan.
Ayon sa senadora natutuwa sya dahil sa ganitong pagkakataon ay naipo-promote ang water lily na hindi naman napapakinabangan kung nasa ilog lamang.
Sa Water Lily Festival ay ipinapakita ang iba’t ibang gamit ng nasabing halaman at maaring maging pangkabuhayan ng ating mga kababayan.