IKINASAL na si 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters kay dating NFL quarterback Tim Tebow.
Isinagawa ang seremonya nitong Enero a-19 sa La Paris Estate sa Cape Town, South Africa.
Ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay dinaluhan ng higit dalawang daang piling mga bisita.
Enero a-9, 2019 nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement sa family farm ni Tim sa Jacksonville, Florida.
Si Demi-Leigh ang nagpasa ng korona sa Miss Universe kay Catriona Gray noong 2018.
Ipinanganak naman sa Pilipinas si Tim kung saan ang kaniyang magulang ay nagsilbing missionaries sa Christian Baptist.