MAY tsansa na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics si Filipina skateboarding champion Margielyn Didal na nagtapos sa pang-limang puwesto sa 2019 Street League Skateboarding World Tour na ginanap sa Los Angeles.
Nakuha niya ang kabuuang 21.2 points na sumunod sa dating world champion Letecia Bufoni ng Brazil na nagtala ng 21 points.
Nakilala si Didal nang siya ay mag-uwi ng gold medal mula sa 2018 Asian Games at sa kaniyang pagsali sa X Games sa Minneapolis noong 2018.