YNA MORTEL
BUMABA sa 16.6% ang insidente ng kahirapan sa bansa noong 2018.
Sa press conference kaugnay sa 2018 Full Year Poverty Statistics, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 17.6 milyong Pinoy ang kinokonsiderang mahirap, mas mababa kumpara sa 23.5 milyong Pinoy noong 2015.
Ayon sa PSA, 166 mula sa 1,000 Filipinos na kasama sa mga mahihirap na pamilya ang may income na mas mababa kumpara sa halaga na kailangan sa pagbili ng kanilang basic food at non-food needs.
Sinabi naman ni NEDA Undersecretary Adoracion Navarro na ang pinakabagong poverty figures ay nagpapakita ng ‘significant progress’.
Ayon sa NEDA, nasa tamang daan ang pamahalaan para maibsan ang insidente ng kahirapan sa 14% sa taong 2022 at makamit ang sustainable development goal na maalis ang extreme poverty sa bansa.
Dagdag pa ng NEDA na nasa 5.9 milyong Pilipino ang kanilang naalis sa kahirapan hanggang noong katapusan ng 2018.