Ni: Vick Aquino Tanes
Nailabas na ang listahan ng 2018 World’s Best Islands at kabilang dito ang Palawan at Cebu ng Pilipinas. Base sa New York-based travel magazine Travel and Leisure, ibinida nila ang pagpasok ng Palawan at Cebu ng Pilipinas dahil talaga namang maipagmamalaki ng mga Pinoy dahil sa linis at ganda ng mga ‘nature created islands’.
Matatandaang dating pasok ang isla ng Boracay, subalit nasira ito dahil sa maling pagpapatupad ng kalinisan na ikinalagpak nito sa ratings.
Ayon dito, nasa ika-anim na spot ang Palawan na nag-rate ng 90.4 na score habang ang ipinagmamalaking ”Queen City of the South” na Cebu ay pasok sa Top 15, na nakakuha ng ikawalong spot na mayroong 89.10 score.
Ibinida pa ng nasabing travel magazine na ang mga nanalo ngayon ay masasabing paboritong dayuhin ng mga turista na kung saan ang Palawan ay nanguna noong 2013 at 2017 at kasama ang isla ng Cebu.
“This year’s winners include surprises as well as familiar favorites. The Edenic Philippine outpost of Palawan scored the top spot on this list in 2013 and in 2017. It remains in fine company, voted in along with its sister island Cebu,» isinulat ng naturang travel magazine .
Nakuha rin ng Indonesia ang Top 3 na mayroong 95.28 score, nakuha ng Bali ang second place na mayroong score na 94.06 habang nasa Lombok naman ang third best island in the world na nakakuha ng 93.88.
Bumida rin ang Palawan bilang top spot ng magazine’s best island of the world survey noong 2013 habang noong nakaraang taon ay nasa listahan ang Boracay bilang third spot.