Ni: Maynard Delfin
Malugod na tinanggap ng Pilipinas angpagiging hostng 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin sa 2019. Sa katunayan, ngayon pa lang ay sinisimulan na ang pagpaplano ng pagdadausan ng international sport event.
Sa Clark, Pampanga at mga lalawigan ng Laguna, Bulacan at Zambales ang mga naiisip na lugar para sa torneo.Kasabay nito ang layuning pagpapakilala sa mga kalapit na mga bansa sa Timog Silangang Asya ng “Bagong Pilipinas” o “The New Philippines.”
Nabanggit ang mga ito ni Department of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, na siyang itinalaga bilang chairman ng 2019 SEA Games Organizing Committee, sa isang panayam ng mga Filipino sportswriters habang siya’y nanonood ng semifinals match ng SEAG volleyball competition sa Malaysian International Trade and Exhibition Center.
Bumisita ang kalihim para magbigay suporta sa mga atletang Pilipino at makausap ang pangulo ng Philippine Olympic Committee na si Jose “Peping” Cojuangco Jr. tungkol sa susunod na SEAG sa bansa.
Pagbuo ng masterplan
Ang pagset-up ng organizing group ang una sa listahan na naglalayong maisaayos ang komite na babalangkas sa istruktura sa paghahanda sa ika-apat na hosting ng Pilipinas sa biennial sportsevent na ito.
“It’s a great opportunity to do three things. First, it is a way of featuring the new Philippines. Second, this shows our hospitality. Third, it focuses on training and grassroots sports program in the country,” sabi ni Cayetano.
“We want our athletes to win. That’s always the goal. But since we also represent our country, we want them to see the hospitality, brotherhood, what the sports stands for, and why the Olympics was put together.We want them to see the beauty of the Filipinos and the Philippines,” dagdag pa niya.
Sports training ground sa mga atleta
Lumalabas na dati pang napagdesisyunan ang pagtatayo ng bagong sports center sa New Clark City sa Angeles, Pampanga. Inaasahan ito na magiging sentro ng 2019 SEAG at magagamit bilang mga pasilidad sa pagsasanay ng mga Filipino athlete para sa mga international events na sasalihan nila.
“With or without the 2019 hosting, there’s 50 to 100 hectares in New Clark City that was reserved for sports,” ayon kay Cayetano.
Aniya, “It can be a training center.We always wanted a training center.But we’re listing down what’s feasible within a two-year period because we’re not sure if we can finish it in a year and a half. But most probably, we will have the games in November, so we have more than two years.”
Dagdag pa niya, “I’m looking at both actually, 2019 (SEA Games) and 2020 (Olympics). So the next two years, if we can build the facilities needed, but more than that, build our teams, support our teams, support the groups who are supporting grassroots sports programs, then it will be a good launching for the next two years. Hopefully, the program continues.”
Alternatibong venues
Binigyang diin ni Cayetano na ang Zambales at Bulacan angpangunahing pinagpipiliang lugar ng SEAG dahil sa malapit na lokasyon ng mga ito sa Clark.Nabanggit niya na ito rin ay batay sa kahilingan ng mga kalahok. Ayaw raw ng karamihan nasumakay pa ng eroplano para lang makarating sa venue ng labanan.
“It can possibly be extended to other places, but we’re still talking about it. We won’t be a good host if we don’t consult the other countries about the venues,” dagdag pa ng Foreign Affairs secretary.
Noong 2005, naging host ang Pilipinas ng SEAG. Idinaos ang mga patimpalak sa Maynila, Cebu at Bacolod.
Kumpirmasyon mula sa PSC
Kung ang Philippine Sports Commission ang tatanungin, ngayon pa lamang ay nakikipag-usapna sila sa Bases Conversion Development Authority.Kapwa na silang naghahanda sa hosting task ng Pilipinas sa susunod na SEAG.
Higit sa 50-ektaryang Sports City na may world-class facilities ang itatayo at inaasahang matatapos ito sa 2019 para sa regional games sa New Clark City.
Nabanggit ni DFA Sec. Cayetanona posible itong matapossa loob ng dalawa at kalahating taon lalo na’tkabilang ang Clark sa Pampanga sa priority list ng development plan ng Duterte administration.
Dagdag pa ni Cayetano na pabor siya sa Clark at Subic na ganapin ang ilang laro sa SEAG dahil itinuturing ang mga ito bilang “special cities.”
Sa tema ng pagbalangkas at balak na pagpapaunlad ng imprastraktura, makakakuha ng momentum ang bansa sa kaganapang ito.Isang oportunidad ang pagiging host ng Pilipinas sa susunod na Southeast Asian Games na maipakita sa mundo ang pagsasaayossa mga pasilidad ng bansa sa ilalim ng “Golden Age of Infrastructure” ng administrasyong Duterte.
Safe and secure na bansa
Malaki rin ang maiaambag ng torneo sa Pilipinas sa larangan ng turismo at maipakita sa madla na ligtas bumisita at may kakayahan ang pamahalaan na mapanatili ang pambansang seguridad habang ginaganap ang international events.
Ang Philippine Arena sa Bulacan na may higit sa 50,000 seating capacity, ang isa sa nakatakdang mga venue ng2019 SEAG. Kasama ang SMX Convention Center at Mall of Asia Arena sa Pasay City na maaaring pagdausan ng mga indoor sports.
Ito ang ika-apat na pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang pagtatagpo ng 11 na kasaping bansa sa multi-sports. Naging host ang Pilipinas ng SEA Games noong 1981, 1991, at 2005.
Naitala ang pinakamahusay na performance ng Pilipinas noong 2005 sa SEAG nang matamo nito ang pangkalahatang kampeonato. Apatnapung kategorya sa sports ang itinampok sa huling hosting ng Pilipinas sa 2005 SEAG atinaasahang ganito din ang bilang sa 2019 event.
Pag-atras na di natuloy
Dahil sa kaguluhang nagaganap sa Marawi City sa Mindanao, muntikan nang mapurnada ang paghohost ng Pilipinas sa 30th SEAG.
Nagkaroon ng mga pagtatalo na huwag nang ituloy ng bansa ang pagiging host at ibabaling na lamang nito ang pokus sa rehabilitasyon ng Mindanao, partikular sa Marawi, sa halip na pondohanang 2019 SEAG.
“When all is clear, and peace and order have improved, after 2020 Olympics and in the future, we are positive and willing to host the SEA Games or any other international sporting events,” nabanggit ni PSC chairman William Ramirez sa mga naunang panayam patungkol sa pagiging SEAG host ng Pilipinas.
Sa mga sumunod na pag-uusap, nakumbinsi din ang Pilipinas sa magandang maidudulot ng paghohost ng bansa. Kalaunan, maluwag na ring tinanggap ng pamahalaan ang hamon.