Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin at pabilisin ang pagtalakay sa barter trade system sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia na inaasahang makapagbibigay ng livelihood para sa mga komunidad sa boarder areas.
Ito ay matapos ang implementasyon ng Pilipinas sa pinagtibay na Bangsamoro Organic Law na layong mawakasan ang matagal nang kaguluhan sa Mindanao.
Sa pahayag ng Chief Executive kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa 13th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines – East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), binigyang-diin nito na ang institutionalization ng barter trade system ay makatutulong upang maresolba ang kahirapan, kaguluhan sa Bangsamoro Region.
Maituturing din ang barter trade bilang investment para sa kapayapaan, pagkakapantay-pantay at sustainable development para sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Matatandaan na ipinagmalaki ng Palasyo na naging produktibo at kapaki-pakinabang ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Thailand kung saan nakipag-usap ito sa malalaking negosyante roon upang i-promote ang Pilipinas bilang investment destination.