Pinas News
Sinimulan na ng Amerika ang pamamahagi ng mga arm-chair sa mga eskwelahan na naapektuhan ng krisis sa Marawi City.
Ayon sa ipinalabas na impormasyon ng US embassy sa Maynila, naipamahagi nang US Agency for International Development (US AID), ang unang batch ng mga upuan sa halos nasa 2,000 estudyante sa 5 eskwelahan sa bayan ng Saguiaran, Lanao Del Sur kung saan naka-enroll ang mga estudyanteng naapektuhan ng krisis sa Marawi.
Tinatayang nasa 6,500 na arm-chair ang ipagkakaloob ng US AID.
Nitong Setyembre, inanunsyo ng Amerika ang P730-M natulong para sa relief at recovery ng Marawi.