Makakalaya na pansamantala mula sa kulungan ng PNP Custodial Center si dating senador Jinggoy Estrada.
Ito ay dahil nakatakdang bigyan ng Sandiganbayan 5th Division si Estrada ng temporary liberty kaugnay ng kanyang PDAF case.
Ayon sa bagong 5th Division ng Sandiganbayan, isang draft resolution ang kanilang inihahanda na nagbabaliktad sa naunang ruling ng old 5th Division ng anti-graft court.
Sinasabing ang draft ruling ay hindi pa maipalabas dahil may ibang justices sa Sandiganbayan, ang tumututol sa pagpapalabas nito dahil sa pangambang makakaapekto ito sa pork barrel plunder scam case ni dating senador Juan Ponce Enrile at Jessica Lucila “Gigi” Reyes na naka-pending sa Sandiganbayan 3rd Division.
Maaari rin umano itong maging daan ng pagpapalaya rin sa isa pang pork barrel plunder scam case ni dating senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Ang Sandiganbayan 5th Division na pabor sa paglabas ni Estrada ay sina justices Rafael Lagos, Maria Theresa Mendoza-Arcega at Reynaldo Cruz.