Ni: Noli C. Liwanag
Jr. NBA ng Pinas pinangunahan nina Sacramento Kings star-ting center Willie Cauley-Stein at WNBA Hall-of-Fa-mer Sheryl Swoopes ang ginanap na Jr. NBA Phi-lippines National Training Camp sa Mall of Asia Music Hall, Pasay City.
Sa pagtatapos ng trai-ning camp, napili ang 8 lalaki at 8 babae mula sa 74 finalists para katawanin ang Jr. NBA Philippines All-Stars.
Tinanghal na Mot Valuable Player ang 14-anyos na si Prince Ray Alao ng San Beda University sa boys class kung saan nakasama niyang napili na nakapagpamalas ng katauhan na nagpapakita ng mga kalidad sa Jr. NBA core S.T.A.R. Values of Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude, and Respect sina Ethan Rod Alian, 14, ng La Salle Greenhills; John Lester Amagan, 14, ng St. Robert’s International Academy of Iloilo; Seven Gagate, 14, ng Chiang Kai Shek College; Nathan Jan Jundana, 14, ng Bacolod Tay Tung; Christian Joi Mesias, 14, ng Jose Maria College of Davao; Kim Aaron Tamayo, 13, ng National University; at Rhon Khaniel Telles, 13, ng St. Anthony de Carmelli Academy of Cavite.
Sa girls class ay sina Madelyn Flores, 14, ng Bukidnon National High School; Gin Kayla Huelar, 13, ng St. La Salle University, Bacolod; Aishe Solis, 13, ng Corpus Christi School in Cagayan De Oro; Pauline Angelique Valle, 13, ng Misamis Oriental Ge-neral Comprehensive High School; Christine Nichole Venterez, 12, ng Baguio City National High School; Marielle Vingno, 14, ng Escuela de Sophia of Caloocan Inc.; Amber Esquivel, 14, at Kyla Marie Mataga, 13, ng De La Salle Zobel.
Ang Jr. NBA Philippines delegates ay bibiyahe sa Shanghai, China sa Oktubre para sa NBA China Games kung saan tampok ang laro ng Philadelphia 76ers at Dallas Mavericks.