Sa Washington…
Pinangunahan ni US PRes. Donald Trump ang pagdiriwang ng anibersaryo ng pag-alala sa mga biktima ng 9/11 attack na tinatawag na pinaka-nakamamatay na pag-atake ng terorista sa Amerika.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang asawa nitong si Melania Trump maging ilang opisyal ng gabinete nito.
Nagpahayag rin ang pangulo ng kanyang madamdaming mensahe para sa mga biktima ng pag-atake.
Samantala, kinilala rin ng pangulo ang halos limang milyong sundalo na nakiisa at patuloy na pumoprotekta sa amerika simula nga ng mangyari ang nakamamatay na pag-atake ng mga terorista.