Pinas News
MAKAKAMIT na ng bansa ang makabagong kasaysa-yan ng sports na inaasahan ng mga miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) ngayong bago na ang liderato.
Dahil sa pagkahalal kay Association of Boxing Alliances of the Philippines president Ricky Vargas bilang bagong pangulo ng POC, kapalit ni Jose “Peping” Cojuangco Jr. na namuno sa loob ng 13 taon.
Umaasa naman si Philippine Weightlifting Association president Monico Puen-tevella na ito na ang simula ng revival ng Philippine sports.
Nabatid na sa mga nakaraang international events, mababa ang rekord ng Pilipinas.
Ayon sa dating Bacolod City mayor, maganda ang rekord ni Vargas kaya asa-hang babalik na ang tiwala ng mga sponsors sa POC.
Matapos ang eleksiyon, nagbigay agad si Manny V. Pangilinan ng P20 milyong pondo sa POC.
Samantala, nagpasalamat si Vargas sa buong suportang binigay sa kanya kabilang na ang mga National Sports Associations (NSAs) at mga athletes.
Kasabay ng kanyang pagtiyak na gagawin niya ang lahat para sa alagaan ang mga atleta alang-alang sa pag-angat ng isports sa bansa.