Pinas News
PUMALO sa 235 katao ang patay habang hindi bababa sa 190 katao ang sugatan sa pag-atake sa isang mosque sa Northern Sinai Peninsula sa Egypt.
Sa ulat ng Egyptian State Media, inatake ng mga militante ang Al-Rawdah Mosque sa batan ng Bir Al Abd.
Pinaulanan ng bala ng mga kalalakihang sakay ng apat na sasakyan ang mga nagdarasal sa nasabing mosque at nagpasabog rin umano ang mga ito ng bomba.
Nagpatawag naman umano ng emergency security meeting si Egyptian President Abdel Fattah El Sisi matapos mangyari ang insidente.