• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - April 18, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Abu Sayyaf

Pagsugpo ng terorismo kaagapay ang ibang bansa

February 13, 2019 by Pinas News

ANG katedral na binomba sa Jolo ng mga hinihinalang terorista.

 

Ni: Eugene Flores

NAYANIG ang Jolo, Sulu sa Mindanao matapos sumabog ang dalawang bomba sa loob ng katedral —ang una ay sumabog habang nagmimisa at pagkaraan ng ilang minuto, sumabog ang isa pa habang papalabas ng katedral ang mga nagsimba isang Linggo ng umaga. May 22 na namatay at humigit kumulang naman sa 100 ang nasaktan.

Dahil sa pangyayari na sinasabing isang suicide bombing, naglabas ng pahayag ang Malacañang at mariing kinondena ang aksyon ng mga terorista sa lugar at nangakong pananagutin ang may kagagawan ng pambobomba.

Ang maraming dekada nang problema sa Mindanao ay nagpapatuloy sa ngayon na hinahanapan pa rin ng solusyon ng kasalukuyang administrasyon.

Marami na ang mga naitalang bakbakan kontra sa mga rebeldeng grupo sa Jolo maging sa mga karatig na lugar dito. Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng Martial Law ang Mindanao isang taon matapos ang pinakamatagal na sagupan kontra sa mga IS-Maute sa Marawi.

Dahil sa insidente, lalong pina-igting ng military ang seguridad sa lugar at nagpaabot na rin ng simpatya at tulong ang ibang bansa.

NAGBIGAY ng pahayag si Datu Basher ukol sa insidente sa Jolo sa ginanap na prayer rally at alay-lakad.

 

RUSSIA KATUWANG SA PAGSUGPO SA TERORISMO

Matapos ang pagbomba sa Jolo, nagpaabot ng tulong sa Pilipinas ang Russia.

Sa isang courtesy call kay Presidente Rodrigo Duterte, sinabi ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev ang mensahe ng Moscow para sa bansa.

“The Russian ambassador reiterated their condolences for the deaths caused by the twin explosions in Jolo and condemned the incident while reaffirming their country’s commitment to help our nation combat terrorism,” sabi sa isang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nais din umano ng Russia na mapatibay lalo ang koneksyon ng dalawang bansa para sa isang pangmatagalang relasyon.

“Russian Ambassador Khovaev likewise renewed Russia’s commitment to strengthen their cooperation to help our national defense and significantly improve its capabilities,” ani Panelo.

Nagbigay naman ng mensahe ang pangulo sa Russia upang pasalamatan ito.

ANG kabaong ng isa sa dalawang sundalong namatay sa pagsabog sa katedral sa Jolo.

 

KOOPERASYON NG INDONESIA SA IMBESTIGASYON

Ayon sa mga nakalap na impormasyon, inilabas ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nakakabit ang insidente sa Islamic State-linked Indonesian suicide bombers na nakatanggap umano ng tulong mula sa grupo ng Abu Sayyaf bago maganap ang pagbomba sa lugar.

Napagbigyang alam na ang Indonesia ukol sa insidente at nangako na tutulong sa imbestigasyon.

Mahigpit umano ang magiging imbestigasyon katuwang ang Indonesia matapos mamataan malapit sa simbahan ang isang Indonesian na lalaki at babae na hinihinalang suicide bombers.

Ayon kay Secretary Año, napili umano ang simbahan upang magkahidwaan ang mga Kristiyano at Muslim.

“Parang gustong magpakita ng example at gusto nilang itaas sa religious war, kaya ang pinipili nila ay iyong mga simbahan, katedral para pag-awayin iyong Kristiyano at Muslim.”

ITIGIL ANG HIDWAAN AT GALIT

Dahil sa insidente at ayon na rin sa mga otoridad, nagtutulong-tulong sa kasalukuyan ang militar, pulisya at ibang pang grupo upang huwag sumiklab ang galit sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

Ang estratehiyang ito ay matagal nang ginagamit ng mga rebelde upang makakuha ng mga miyembro at magtnim ng galit sa ibang relihiyon.

Bagama’t nasa dulong parte ng Mindanao nangyari ang pagsabog, pina-igting ng pulis Maynila ang seguridad nito sa Golden Mosque sa Quiapo at nakipag-ugnayan na rin ang mga aktibo sa peace process upang hindi na magresulta sa hindi kanais nais na pangyayari.

“We don’t want the situation there in Mindanao to reach Metro Manila,” wika ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

“We have good working relationships with various sectors and that includes the Muslim community here in Metro Manila.”

Hindi na bago para sa nakararami ang ganitong kaganapan sapagkat dekada na ang pagtugis sa mga rebelde sa Mindanao na di naglaon ay naisisi lagi sa mga Muslim.

“Whenever there is violence in Mindanao, and dating is unjust, it is always our Muslem brothers who are being blamed. This is really unfair,” wika ni Eleazar.

Ayon sa mga opisyal, ang nangyari namang pagsabog sa isang mosque sa Zamboanga City ilang araw matapos ang pagbomba sa Jolo ay maaring kagagawan ng gustong makisakay sa nangyari sa Jolo.

Upang maiwasan ang mas malalang pangyayari, doble ang seguridad ng pulisya ngayon at patuloy ang pakikipagpanayam sa mga lider na Muslim.

Ayon kay Eleazar, buo ang tiwala niya sa mga kapatid na Muslim dito sa Metro Manila.

“They also want peace. They left Mindanao because they want peace, they just want a decent job to earn money for their family,” aniya.

KRISTIYANO AT MUSLIM KAPIT-BISIG

Bilang patunay na hindi kayang sirain ng terorismo ang relihiyon, nagsagawa ang mga Muslim at Kristiyano ng isang simbolikong pagbibigay ng Koran sa Kristiyano at Bibliya sa Muslim sa ginanap na prayer rally sa Quezon Memorial Circle.

Nagtipon ang mga kapatid na Kristiyano at Muslim upang mag-alay ng panalangin at lakad na kumokundena sa nagaganap na kaharasan sa Mindanao. Tinawag itong Lakad Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Karahasan.

“We are showing the world that we Filipino Muslims and Christians are one,” wika ni Aleem Said Basher, and Chairman ng Imam Council of the Philippines.

Itinanggi ng mga ito na ang nagaganap ay digmaan sa relihiyon na nais gawin ng mga terorista kung kaya’t hinihikayat nila ang lahat na kontrahin ito sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Pambansa Slider Ticker Abu Sayyaf Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año Eugene Flores Golden Mosque Jolo Martial Law Metro Manila Mindanao National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar PINAS Presidente Rodrigo Duterte Quezon Memorial Circle Quiapo Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev Zamboanga City

Titira ka ba sa Kalayaan Islands?

January 2, 2018 by Pinas News

 

Ni: Kristin Mariano

ISINUSULONG ngayon sa Kamara ang panukalang batas na magdedeklara sa Kalayaan Group of Islands bilang “alienable and disposable land” upang malinang ang mga isla para sa agrikultural, residensyal at komersyal na mga layunin.

Inaprubahan ng House committee on natural resources ang House Bill no. 5614. Sa ilalim nito ay papayagan ang mga residente at mamumuhunan na makakuha ng titulo ng pagmamay-ari sa lupa. Ang panukala ay akda nina House Speaker Pantaleon Alvarez (PDP-Laban Davao del Norte) at Majority Leader Rodolfo Fariñas (PDP-Laban Ilocos Norte).

Kanilang ipinaliwanag ang kahalagahan ng kaagarang pagdedeklara sa Kalayaan Group bilang “alienable and disposable”. Ayon sa kanila, ito ay upang mahikayat ang mga Pilipino na tumira sa mga isla at makapagtayo ng mga pasilidad para sa mga residente. May mga panukala ang lokal na gobyerno ng Kalayaan sa paglilinang ng lugar upang maisulong ang turismo sa lugar. Dagdag pa ng dalawang mambabatas na magbubukas ng mga bagong oportunidad pangkabuhayan at maghihikayat sa mga mamumuhunan upang magtayo ng negosyo sa isla.

Minamadali ang pagpasa sa batas upang maging prayoridad sa pagbubukas ng sesyon sa darating na taon. Ang Kalayaan Group ay nasa pinag-aawayang teritoryo ng iba’t-ibang bansa sa West Philippine Sea.

Alienable and disposable

Ayon sa Commonwealth Act No. 141 o Manual of Land Disposition, nahahati sa tatlong kategorya ang mga public domains o lupa na pag-aari ng gobyerno. Ito ay ang mga (a) alienable or disposable; (b) Timber, at (c) Mineral lands. Ang timber and mineral lands ay mga natural resources ng bansa na nasasaklaw ng mga espesyal na batas. Ang alienable or disposable domains ay mga kalupaan na maaaring linangin para sa publiko sa ilalim ng layuning agrikultural, residenyal, at komersyal. Maaari rin itong ibenta o ipaupa sa pribadong sektor.

Ang Kalayaan Group of Islands ay may kabuuang sukat na 79 ektarya na binubuo ng mga isla ng Pag-asa (32.7 ha), Likas (18.6 ha), Parda (12.7 ha), Lawak (7.9 ha), Kota (6.45 ha), Patag (0.57 ha), at Parata (0.44 ha). Kabilang din sa arkipelago ang maliliit na Ayungin Shoal at Rizal Reef.

May maliit na komunidad sa Pag-asa na kinabibilangan ng mga naka-istasyong sundalo sa lugar at kanilang mga pamilya. May airstrip rin dito para sa paghahatid ng supply sa mga residente. Mayroon ring garison ang militar sa Ayungin reef na inilagay ng bansa noong 1999 matapos angkinin ng China ang Spratlys at Panganiban Reef.

Pagyabong ng turismo

Ayon kay House Speaker Alvarez, ang Kalayaan Group ay mayaman sa lamang dagat dahil ang lugar ay hindi pa biktima ng overfishing. Ito ay magbibigay ng oportunidad sa maraming mangingisda upang galugarin ang katubigan ng Palawan. Ang pagdedeklara din sa mga isla bilang “alienable and disposable” ay magbibigay daan sa pagsasaliksik sa sinasabing oil at natural gas reserve na maaaring sagot sa kakulangan sa enerhiya ng bansa. Ang mga ito ay ang sinasabing pinag-iinteresan ng Tsina sa teritoryo ng bansa.

Ang Kalayaan Group of Islands ay mahirap marating dahil ito ay nasa dulo ng Palawan. Hindi tulad ng ibang parte ng probinsya tulad ng El Nido at Coron na napakapopular sa mga Pinoy at dayuhan. Subalit hindi maitatatwa na ito ay napakaganda at tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino. Kung made-develop ang lugar ay mas mapag-iigting ang turismo sa lugar.

Dumalo sa pagdinig ng komite sa kamara si Armed Forces Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Salvador Melchor Mison Jr. Sinabi niya na may nakahandang plano ang militar kung sakaling maipasa ang batas. Inilahad ni Mison ang 11.6 bilyon na military developments na nakalinya para sa Kalayaan Group. Kabilang sa mga plano ay pag-aayos ng mga pasilidad sa isla at mga residensyal sa isla sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga kalsada. Kasama rin dito ang pag-upgrade sa mga Navy vessels na ginagamit sa pagpapatrolya at pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas.

Pagtutol ng China

Ang panukalang batas nina House Speaker Alvarez ay kinuwestiyon din ng ibang sektor. Pinangangambahan ang pagkasira ng kalikasan at yamang dagat sa Kalayaan Group. Ang pagpasok ng mga imbestor sa mga isla at pagtatayo ng kani-kanilang negosyo ay maaaring magbunsod sa pagkasira ng ilan sa mga natitirang coral reefs o bahura sa bansa. Pinangangambahan din ng ilan na para sa kapakanan ng iilan ang pagdedeklara sa Kalayaan Group bilang “alienable and disposable land.” Mga mamumuhunan lamang ang makakabili ng lupa para i-develop.

Ang pagdevelop sa lugar ay magsisimula ng pagdagsa ng turista, ngunit ang Palawan ay isa sa mga target na lokasyon ng mga terorista tulad ng Abu Sayyaf. Nangangamba ang ilan sa seguridad ng mga bibisita sa lugar.

Idagdag pa rito na kahit anong aktibidad sa Kalayaan Group ay haharapin ng pagtutol mula sa China. Iginigiit ng China ang kanilang nine dash line na pag-angkin sa katubigan sa West Philippine Sea kabilang ang 370-kilometer exclusive economic zone ng bansa. Ang pagtatayo ng mga tahanan at pasilidad sa Kalayaan Group ay lalabag sa status quo na napagkasunduan sa pagitan ng China at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 2002 upang mapanatili ang kapayapaan sa pinag-aawayan katubigan.

Pambansa Slider Ticker Abu Sayyaf Alienable and disposable ASEAN Association of Southeast Asian Nations Ayungin reef China Coron El Nido Gen. Salvador Melchor Mison Jr Kalayaan Group of Islands Kristin Mariano Leader Rodolfo Fariñas Panganiban Reef Pantaleon Alvarez PDP-Laban Davao del Norte Pilipinas Rizal Reef Shoal Spratlys West Philippine Sea

Pagbalik-tanaw (time-line) ng Batas Militar kontra-terorismo sa Mindanao

December 28, 2017 by Pinas News

Si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state-visit sa bansang Russia, ilang sandali bago niya idineklara ang Martial Law sa buong Mindanao

 

Ni: John Benedict G. Vallada

SA halos pitong buwan na itinagal ng Batas Militar sa Mindanao. Mula sa madugong paglusob ng teroristang grupo na Maute, pagresbak ng militar sa kalaban, buwis-buhay na opensiba hanggang sa mabawi ang siyudad ng Marawi. Muling balikan ang Batas Militar sa Mindanao at kasalukuyan nitong estado.

Mayo 23, 2017

2:00nh—Nakarating sa militar ang ulat ng mga residente ng Barangay Basak Malutlut sa Lungsod ng Marawi na mayroong 15 kahina-hinalang mga armadong lalaki sa nasabing pook na pinaniniwalaang miyembro ng teroristang grupo ng Abu Sayyaf at Maute, dahilan upang tumugon sa pamamagitan ng surgical strike ang militar laban sa kalaban.

5:00nh-8:00ng—Lumusob at nagpakita ng lakas ang grupong Maute sa pamamagitan ng pagkubkob ng mga ito sa pampublikong ospital ng Marawi na Amai Pakpak Medical Center. Ilang oras lang ay lumusob na rin ito sa City Jail ng lungsod at pinakawalan ang mga preso at nanunog, napaulat din na ang mga bantay ng nasabing kulungan ay pinagpapatay ng grupo. 5 sundalo ang kumpiramadong sugatan habang 1 ang patay bago pasukin din ang Dansalan College at Saint Mary’s Church.

11:30ng—Kasalukuyang nasa state-visit noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Russia nang ideklara sa buong Mindanao ang Batas Militar.

Mayo 24, 2017—Sa pag-uwi ni Pangulong Duterte mula sa bansang Russia, agad niyang sinuspinde ang prebelihiyo na habeas corpus sa buong Mindanao upang madaling mahuli ang iba pang mga miyembro ng teroristang grupo at maiwasan ang paghahasik.

Mayo 31, 2017—Ayon sa Department of National Defense, 11 sundalo ang nasawi, habang 7 ang sugatan sa maling aerial attack ng mga mismong kapwa sundalo.

Hunyo 6, 2017—Nahuli sa check-point ng mga sundalo sa Davao City ang mismong ama ng tinaguriang Maute Brothers na si Cayamora Maute.

Hunyo 9, 2017—Naaresto naman ang ina ng Maute Brothers na si Ominta Romato “Farhana” Maute kasama ang 2 sugatang miyembro ng Maute Terrorist Group sa probinsiya ng Lanao Del Sur.

Hunyo 12, 2017 (Araw ng Kalayaan)—Madamdaming paggunita sa Araw ng Kalayaan ang nasaksihan habang itinataas ang bandila ng Pilipinas habang inaawit ang ‘Lupang Hinirang’. Sa araw ding iyon naitala ang 58 na mga sundalo namatay.

Hunyo 25, 2017—Bilang pagtatapos ng Ramadan, nagbigay ng 8 oras na ceasefire ang mga militar sa mga kalabang terorista.

Hunyo 26, 2017—Bumisita si Vice President Leni Robredo sa Ilagan City upang bisitahin at kumustahin ang lagay ng mga evacuees mula sa Marawi City.

Hulyo 4, 2017—Pinagtibay ng Korte Suprema ang deklarsyon ng Batas Militar ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Hulyo 20, 2017—Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang giyera sa Marawi City, bumisita si Pangulong Duterte.

Hulyo 22, 2017—Napagkasunduan ng kongreso ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Agosto 22, 2017—Muling pinayagang maka pasok sa Mindanao State University.

Agosto 25, 2017—Tagumpay kung maituturing, dahil nabawi ng mga sundalo ang Grand Mosque ng Marawi City mula ng inokupa ito ng Teroristang Maute.

Agosto 27, 2017—Pumanaw ang ama ng mga pinuno ng teroristang grupo na Maute na si Cayamora Maute, ayon sa ulat nasa kritikal na kondisyon ang matandang Maute bago dinala sa Taguig-Pateros Hospital.

Setyembre 17, 2017—Matagumpay na na-rescue ang paring Katoliko na si Father Chito Suganob, na ilang buwan ding bihag ng Maute Group. Itinanggi rin ng pamahalaan na nagbigay sila ng ransom sa teroristang grupo para sa pari.

 

Ilan sa mga tagpong pangyayari habang nagkakaroon ng bakbakan ang hanay ng military at teroristang Maute sa Lungsod ng Marawi.

 

Setyembre 22, 2017—Nabawi ng militar ang tulay na entrance-point ng mga pook na sinakop ng Maute, ang tulay ng Maraya Daya o mas kilala bilang Masiu Bridge.

Oktubre 16, 2017—Inanunsyo ng militar na napatay na nila ang mga pangunahing pinuno ng Maute Group na si Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Oktubre 17, 2017—Idineklara ni Pangulong Duterte na malaya na ang Marawi laban sa rebelyon ng mga Maute.

Oktubre 19, 2017—Kinumpirma ni Pangulong Duterte na napatay ang isang Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad. Si Ahmad ay hinihinalang taga-recruit ng mga bagong miyembro ng teroristang ISIS.

Oktubre 20, 2017—Nakauwi ang nasa bilang na 288 na mga sundalong lumaban sa Maute Group.

Oktubre  21, 2017—Kinumpirma ng Fedral Bureau of Investigation (FBI) na DNA mismo ni Isnilon Hapilon ang napatay sa bakbakan noong Oktubre 16. Habang wala pang kumpirmasyon kay Omar Maute.

 

Muling pinalawig ang Batas Militar hanggang sa katapusan ng taong 2017 sa botong 261 na ‘yes’ ng mga mababatas at 18 ‘no’ na boto bilang pagtutol sa pagpapalawig.

 

Disyembre 8, 2017—Nagsumite ang Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao. Suportado ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa banta pa rin sa seguridad ng publiko lalo pa’t napapaulat na mayroon pa rin natitirang mga grupo ng Maute.

Disyembre 11, 2017—Humihirit ang sangay ng pamahalaang pang-ehekutibo sa pagpapalawig pa ng Batas Militar, ang dahilan ay ubusin ang natitirang miyembro ng Maute Group at pakikibaka sa bagong tinuturing ng pamahalaan na teroristang organisasyon ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CCP-NPA).

Sa ngayon, nasa kamay ng mga mambabatas sa mababa at mataas na kapulungan ang kapalaran ng Batas Militar sa Mindanao. Mapapaso ang deklarasyon ng Martial Law sa Disyembre 31, 2017.

National Slider Ticker Abu Sayyaf AFP Amai Pakpak Medical Center Armed Forces of the Philippines Brgy. Basak Malutlut Cayamora Maute Communist Party of the Philippines CPP Dansalan College Davao City Departmet of Interior and local Government DILG Dr. Mahmud Ahmad Father Chito Suganob FBI Federal Bureau of Investigation Ilagan City ISIS Isnilon Hapilon Jhon Benedict G. Vallada Lanao Del Sur Marawi City. Maraya Daya Martial Law Masiu Bridge Maute Terrorist Group Mindanao Mindanao State University New People’s Army NPA Omar Maute Ominta Romato "Farhana" Maute Pangulong Rodrigo Duterte Philippine National Police PNP Russia Saint Mary's Church Taguig-Pateros Hospital Vice President Leni Robredo

Pagkamatay ni Hapilon: Terorismo sa bansa wala na ba?

November 2, 2017 by Pinas News

PINAKITA nina AFP chief Eduardo Año (pangalawa sa kaliwa) at Defense Secretary Delfin Lorenza (pangalawa sa kanan) ang mga larawan ng mga napaslang na lider ng terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa media sa Camp Ranao, Marawi City. Patuloy pa rin ang pagbabantay ng lahat ng mga yunit ng militar sa Marawi City, Maguindanao at Lanao del Sur sa maaaring paghiganteng atake ng mga tagasunod ng dalawang lider sa kanilang kamatayan.

 

Ni: Kristin Mariano

SA pagkamatay ng mga lider ng teroristang grupong Maute, sinasabi ng ilan na natuldukan na ang bakbakan sa Marawi at terorismo sa bansa.

Kinumpirma ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na si Isnilon Hapilon nga ang isa sa mga napatay sa pagtatapos ng giyera sa Marawi. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana,  “FBI has confirmed that the DNA sample taken from a body recovered by our operating units in Marawi matches that of Isnilon Hapilon.”

Kasama si Hapilon at ang lider ng Maute Group na si Omar Maute matapos ma-corner ang rebeldeng grupo sa pinagtataguan nito. Ang isa pang lider na si Abdullah Maute ay napatay naman sa naunang engkwentro kasama ang dalawa pang Maute Brothers na sina Madi at Otto na miyembro rin ng bandidong grupo.

Kasabay sa pagpatay ng mga lider ang pagligtas sa humigit 20 na mga bihag.

Si Hapilon ay sinasabing kinilala ng Islamic State o ISIS na lider sa Timog Silangang Asya. Si Hapilon ay wanted din sa Amerika dahil sa terorismo. May patong na $5-million sa ulo si Hapilon dahil sa “Acts of Terrorism” at pagdukot at pagpatay sa isang US national. Kabilang si Hapilon sa bandidong grupong Abu Sayyaf na nasa likod ng pagdukot sa mga turista sa Dos Palmas Resort sa Palawan taong 2001 kabilang si Guillermo Sobero. Ang American missionary na si Martin Burnham naman ay dinukot noong 2002.

Ang magkapatid na Omar and Abdullah Maute ang tumatayong lider ng Maute Group na naghasik ng terorismo sa Marawi noong Mayo. Ang dalawa ay sumusuporta sa paniniwala ng ISIS – na naniniwala sa “extremist interpretation” ng relihiyong Islam na gumagamit ng “religious violence” o “jihad.”

Sa halos 5 buwang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at Maute Group, tinatayang 753 terorista, 47 sibilyan, at 155 na sundalo ang namatay. Samantalang libo-libong Pilipino ang kinailangang lumikas.

Rehabilitasyon sa Marawi

Naging madamdamin ang pag-uwi ng mga sundalo sa kani-kanilang pamilya ng matapos angs halos 150 na araw na giyera sa Marawi. Tila nabunutan ng tinik ang mga kaanak ng mga sundalo ng makitang ligtas ang kanilang pamilya.

Matapos nga ang madugong labanan sa pagitan ng militar at Maute Group ay sinisimulan na ang rehabilitasyon sa lugar. Unti-unti na ring nagsisibalikan ang mga residente sa kani-kanilang mga bahay. Inanunsyo ng gobyerno na maaaring bumalik ang mga pamilya sa mga bahay na hindi  naapektuhan ng kaguluhan. Samantala, magbibigay naman ang gobyerno ng pansamantalang matutuluyan sa mga pamilyang nasira ang mga tahanan.

Maglalaan ng P5-billion ngayong taon para sa agarang tulong sa Marawi at karagdagang P10-billion sa susunod na taon para sa pangmatagalan na  mga programa upang manumbalik ang sigla ng Marawi.

Nagbigay naman ng suhestiyon si Senadora Grace Poe ng karagdagang P5-billion pa na maaaring ilagay sa 2018 budget’s Unprogrammed Appropriations.

“The Marawi rehabilitation plan should be future-proof and include infrastructure for security against elements who would attempt to besiege the city anew,” ayon kay Sen. Poe.

Ang 2018 budget ay kasalukyang pinagdedebatihan sa Kongreso. Ayon naman kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang ilalaan na budget para sa Marawi sa 2019 ay depende sa mga natitirang pangangailangan ng probinsya para tuluyang makabangon.

Wag maging kampante

Nagbabala naman ang isang eksperto na hindi dapat maging kampante ang militar dahil may natitirang miyembro pa rin ang Maute Group. Ayon kay security analyst at terrorism expert Dr. Rommel Banlaoi, maaaring makakalap ng mga bagong miyembro ang mga natitirang puwersa ng Maute Group o kaya ay umanib sa ibang teroristang grupo sa Mindanao tulad ng Abu Sayyaf, BIFF, Ansar Khalifa, at Foreign Fighters. Dagdag pa ng ibang eksperto, ang mga kaanak ng mga napatay ay maaaring sumali sa mga rebelde dahil sa paghihiganti. Ito ay naging pattern na sa pag-recruit ng mga bagong miyembro ng mga rebeldeng grupo.

Pinayuhan nila ang militar na patuloy magbantay sa Mindanao dahil sa mga maaaring mangyari lalo na kung hindi maging maayos ang gagawing rehabilitasyon sa lugar. Tiniyak naman ni Defense Secretary Lorenzana na walang nakaambang panganib o banta ng pag-atake sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Base sa mga naunang report, may sumusuporta sa Maute Group na nakabase sa ibang mga bansa tulad ng Indonesia at Malaysia. Ayon sa isang “child warrior” na hawak na ng gobyerno may suportang pinansiyal ang dumadating sa Maute Group. Sinabi rin niya na maraming “child warriors” ang bandidong grupo na hinihinog lang ng panahon.

Pambansa Slider Ticker $5-million 155 na sundalo 47 sibilyan 753 terorista Abdullah Maute Abu Sayyaf Ansar Khalifa Benjamin Diokno BIFF Delfin Lorenzana Dos Palmas Resort FBI Federal Bureau of Investigation Grace Poe Guillermo Sobero Indonesia ISIS Isnilon Hapilon Kristin Mariano Malaysia Martin Burnham Mindanao Omar Maute P5-billion Palawan Rommel Banlaoi US national

Presidente Digong; Ikalawang Marcos nga ba?

October 17, 2017 by Pinas News

Walang pinagkaiba si Marcos at Duterte.  Hindi maitago ang mga damdamin ng ilan sa mga kababayan natin ang ikumpara si Presidente Digong at ang dating pangulo, Ferdinand E. Marcos.  May ilang kasing pagkakahawig sa mga patakaran nila sa gobyerno kaya ang batid ng iba, ikalawang Marcos ang magiging pamumuno ni Digong.

 

Ni Bebra B. Ruma  

Sa ikalawang taon pa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi biro ang kinakaharap niyang suliranin ng bayan.  Mabibigat na pagsubok, tulad ng giyerang inilunsad niya laban sa droga, mga anomalya sa iba’t ibang ahensiya, ang suliranin ng trapiko, pabahay sa mahihirap at mga sundalo’t pulis na nagsisilbi sa ating bayan,  international community relations, ang giyera sa Mindanao.

Nagmistulang ‘war zone’ ang maunlad na Marawi at magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nakababalik ang mga mamamayan nito.   Upang mabilisang mabigyan-lunas ang pagsugpo sa mga naghahasik ng lagim, nagdeklara ng ‘Martial Law’ si Digong.

Ang pagdedeklara ng Martial Law ang nagbigay ‘kiliti’ sa mga isip ng mamamayang ikumpara siya kay Dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.   Lalong-lalo  na sa mga ‘Martial Law babies’ malaki ang pagkakapareho ng pamumuno ni Marcos sa ipinapakitang pamumuno ngayon ng pangulo.   Anila, siya nga ba ang ‘ikalawang Marcos?’

Walang pinagkaiba si Marcos at Duterte 

Hindi maitago ang mga damdamin ng ilan sa mga kababayan natin na ikumpura si Digong sa dating diktador ng Pilipinas.   May ilan kasing pagkakahawig sa mga naging kilos nila at patakaran sa gobyerno kaya hindi maialis na ipagkumpara ang dalawa.

Babanggit tayo ng ilang mga isyu kung saan napagkukumpara si Pangulong Digong at Ferdinand Marcos.   Ano ang kanilang pagkakapareha at pagkakaiba sa mga palakad nila sa mga mababanggit.   Bagaman puno’t dulo ang paggamit ng Martial Law ng dalawang pinuno, ihuhuli natin itong talakayin.

Curfew.  Kasunod ng pagpapatupad ng Martial Law ang pagpapairal ng curfew sa bansa.  Nagkaroon ng ibang kahulugan ang salitang ito sa panahon ni Marcos.  Kinatatakutan ang mga otoridad noon kapag nakahuhuli ng mga lumalabag sa patakarang ito, dahil hindi basta kulong lamang ang aabutin, pagmamalupit pa sa kamay ng may kapangyarihan na minsan nauuwi sa kamatayan.   Sa panahon ni Marcos, pinatupad niya ang curfew sa pagitan ng ika-11 ng gabi hanggang ika-4 ng madaling araw—para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas.  Kay Digong naman, pinatupad niya ang curfew sa pagitan ng ika-10 ng gabi hanggang ika-5 ng madaling araw, para lamang ito sa mga menor-de-edad.

Extrajudicial Killings.   Sa panahon ni Marcos,  umabot sa tinatayang 3,000 buhay ang nawala at ang iba rito ay ‘unsolvable’ sapagkat hindi nalutas ang pagkakawala nila, ang iba pa ay kilalang personalidad.   Sa panahon ni Digong, inihahantulad ito sa mga patayang nagaganap na may kinalaman sa ‘War on Drugs’ ni Digong, na tumatala na umano sa 5,000 killings, at bumibilang pa.

Philippine Army.   Sa panahon ng pamumuno ni Marcos, ‘show of force’ ang pinakita ng pangulo sa kaniyang mga kapitbahay na mga Asyanong bansa, ganun na rin sa buong mundo.  Kaya noong panahon ni Marcos, isa sa pinaka-prominente at kinakatakutan ang Sandatahang lakas ng Pilipinas—lalo na ang batikang Philippine Rangers.   Sa panahon ni Digong, pinagpaplanuhan ng kaniyang administrasyon ang  dagdag pang modernisasyon ng military marahil na rin sa nakikita niyang kalumaan at pangungulelat ng sandatahang lakas na ngayon ay dumaraan sa pagsubok sa giyera sa Marawi City.

 

Sa panahon ni Ferdinand Marcos  at ng martial law tinarget ng kaniyang  pamumuno ang mga tunay na rebolusyonaryo—ang mga NPA, ang mga makakaliwa, mga manggagawang kontra sa kaniyang gobyerno.   Nasupil ang mga karapatang pantao, nasuspinde ang ‘writ of habeas corpus’ at tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang kanilang mga saloobin.   Photo credits: bagonglipunan.com

 

Sa panahon ni Presidente Digong, napilitan siyang iproklama ang martial law sa Mindanao upang masupil ang mga bandidong Maute kasama ang ilang elemento ng dayuhang Isis at mga lokal na Abu Sayyaf.   Aniya, ang ‘military intervention’ sa Mindanao ay dahil sa hindi na kinaya ng civilian authority ang panatiliin ang kapayapaan sa kanilang lugar.  Photo credits: aa.com.tr

 

Agrikultura.   Binigyan ng pagpapahalaga ni Marcos na ang bansa ay isang ‘agricultural country’ kaya naman ginawa niyang ‘self-sufficient’ ang Pilipinas pagdating sa produksyon ng palay at mais.   Hindi noon umaasa ang Pilipinas sa pag-aangkat ng mga suplay ng bigas sa mga kalapit bansa para lang mapakain ang populasyon.   Sa panahon ni Digong, kinikilala rin niya na ang Pilipinas ay mananatiling agricultural country kaya naman puspusan pa ang pagpapalaganap niya ng mga programang pang-agrikultural tulad ng ‘free water irrigation’ at ‘market-guided farming projects’ para sa mga magsasaka sa buong Pilipinas.

Duterte:  “I am not Marcos”

“Martial law is Martial Law ha.  It will not be any different

from what the President Marcos did.  I’d be harsh,” –Duterte, May 24, 2017.

Ito ang puno’t dulo ng pagkukumpara kay Digong at Marcos.  Pareho kasi silang gumamit ng kapangyarihan ng Martial Law.   Sa panahon ni Marcos kasi, kinatatakutan ang kaniyang pagproklama ng Martial Law sapagkat isa ito sa naging sanhi ng pagkakamatay ng maraming sibilyan at pagkakakulong ng iba na kumakalaban sa rehimen ng diktador noon.   Samantalang wala pang 2 taon bilang pangulo si Digong, tumawag din siya kaagad ng Martial Law para sa Mindanao.

Sa panahon ni Marcos target ng kaniyang batas ang mga tunay na rebolusyonaryo—ang mga rebeldeng  NPA, ang mga makakaliwa, mga manggagawang kontra sa kaniyang gobyerno, mga mamamayang sumasalungat sa kaniyang plataporma.

Nasupil ang mga karapatang-pantao, nasuspinde ang ‘writ of habeas corpus’ at tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang kanilang mga saloobin.

Malaki ang pagkakaiba ng Martial Law ng dalawang pinuno.   Kay Marcos, pinatupad ang Martial Law para sa buong Pilipinas,  upang ‘targetin’ ang mga kalaban niya sa gobyerno,

Sa panahon naman ni Digong, napilitan siyang iproklama ang Martial Law na limitado lamang sa buong Mindanao.  Ito ay upang masupil ang mga bandidong Maute kasama ang ilang elemento ng dayuhang ISIS at mga lokal na Abu Sayyaf.

Aniya, ang ‘military intervention’ sa Mindanao ay dahil sa hindi na kinaya ng civilian authority ang panatiliin ang kapayapaan sa kanilang lugar.   Isa pang importanteng pagkakaiba ng Martial Law ng dalawa ay sa panahon ni Digong, ang panuntunan ng konsitusyon ng bansa ay nananatili, walang suspensyon ng mga karapatang pantao kabilang ang writ of habeas corpus at sinisiguro lamang ng administrasyon na ang military intervention ay para lamang sa pagsupil ng mga bandido.

Ayon pa sa mga malapit sa pangulo, masyado pang maagang husgahan ang mga galaw ng pangulo, lalo na ang ikumpara siya sa dating diktador.   Maka-masa at may malasakit sa mga Pilipino si Digong sabi ng kaniyang administrasyon, hindi siya hahataw ng aabot sa 84% approval rating sa mga survey kung hindi nagpapakita ng magandang resulta ang pangulo sa pagganap ng kaniyang tungkulin.   Magtiwala lang nang lubos ang mga tao.   Seryoso aniya sa pagbabago at kaunlaran ang kanilang ‘working president’.

Opinyon Slider Ticker Abu Sayyaf Bebra B. Ruma Curfew Extrajudicial Killings Ferdinand E. Marcos ISIS Marawi City. Martial Law Mindanao Pangulong Rodrigo Duterte Philippine Army Philippine Rangers

Talamak na bentahan ng mga ilegal na armas, patuloy

August 21, 2017 by PINAS

Ni: Jesse C. Ong 

Gaya ng kalakalan sa bawal na droga, sa kabila ng hindi na mabilang na operasyon ng pamahalaan laban dito ay patuloy pa rin ang talamak na bentahan ng mga ilegal na armas sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mas mabilis kasi ang transaksyon dito sapagkat walang sangkot na mga dokumento at mabusising pagkalap ng lisensya. Idagdag pa ang katotohanang mas mabilis ang ikot ng kita rito bunsod ng mga tagong kalakalan.

Gayunman, ang pamamayagpag ng unregulated o hindi napapangasiwaang bentahan ng armas ay banta sa ating seguridad at kadalasang nag-uudyok sa ilan na maging marahas.

Nagiging madali para sa maraming armadong grupo at ilang indibidwal na magkaroon ng baril kaugnay ng malasadong pagpapatupad ng batas na sumasaklaw sa pagkakaroon ng armas.

Dito isinisisi ang paglaganap ng samu’t saring insidente ng krimen at maling paggamit ng mga armas na kadalasang nagreresulta sa kamatayan kundi man malubhang pagkapinsala ng ilang inosenteng indibidwal.

Sa kasalukuyan, hindi lamang mga alagad ng batas ang may baril kundi maging mga kababaihan (may asawa man o wala) na dumagdag sa talaan ng mga bumibili ng armas sa nakalipas na mga taon.  Ang ibang gun owners ay kinabibilangan ng mga pulitiko, opisyal ng pamahalaan, mga hukom, mga artista at ibang sikat na personalidad, mga negosyante, at iba pa.

Karamihan sa mga nagmamay-ari ng baril ay mga taong nangangamba sa kanilang kaligtasan at sa kanilang ari-arian, at ang kaibahan ng mga ito sa mga pangkaraniwang mamamayan ay ang kanilang kakakayahang bumili ng mga armas sa legal na pamamaraan.

Ang isang ordinaryong baril ay maaaring mabili sa halagang P10,000 o mas mababa pa.

Saan makakabili ng mga armas

Kung padadaanin sa legal na proseso, maaaring makabili ng baril sa ilang provider na ipinapatalastas ang kanilang serbisyo sa online o sa pamamagitan ng ilang informal networks na siya na ring mag-aasikaso ng pagkuha ng lisensya at permit to carry.

Mayorya ng mga armas na kumakalat sa tinaguriang grey market ay napupunta sa mga kamay ng pribadong indibidwal, habang ang ilang mga baril na iligal na ibinebenta sa tagong merkado ay napupunta sa ilang threat groups gaya ng New People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf.

May mga datos na nagpapakitang mayroong halos 1,906,000 ilegal na mga armas sa bansa, o halos doble ng kabuuang bilang na 910,000 ng mga legally-registered firearms.

Ilang mga baril, pinalulusot sa Pier South?

Taliwas sa paniniwala ng ilan, karamihan sa mga iligal na armas na patagong ibinebenta ay hindi nagmumula sa Danao sa Cebu kundi sa Pier South sa Maynila.  Puslit umano ang mga ito sa legal imports at government procurement. Wala rin itong kaugnayan sa smuggling operations sa katimugan kundi sa pormal na import at export business sa norte.

Ang Pilipinas ay kilalang tagapagluwas ng mga baril sa ibang bansa, partikular na sa North America, Southeast Asia, Middle East at Africa.  Kinabibilangan ito ng mga armas na mina-manufacture mismo ng Armscor at ginagamit ng Thailand Police Force.

Sanhi ng pagkalat ng mga ilegal na armas

Ang suliranin sa pagkalat ng mga ilegal na armas ay pinalalala ng kahinaan ng pagpapatupad ng mga batas kaugnay nito.

Isang halimbawa ang kawalan ng wastong pag-imbentaryo sa mga armas na nabawi mula sa ilang kriminal na grupo at mga rebelde.  Ang paulit-ulit ding pagpapatupad ng gun amnesty ay nakadaragdag din sa bilang ng mga nagkakabaril nang hindi naisasaalang-alang ang mga armas na naunang lisensyahan ngunit hindi sumailalim sa paunang rehistro.

Nararapat na bigyan ng mas seryosong pansin at agarang karampatang tugon ang mga nabanggit na isyu sapagkat ang paghadlang sa pagkalat ng mga ilegal na armas ay hindi lamang makapipigil sa kaganapan ng mga krimen kundi makakapagpadama rin ng ganap na kapangyarihan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.

Kinakailangan ng Philippine National Police na mahigpit na ipatupad ang re-registration ng lahat ng mga armas upang matukoy ang pagmamay-ari ng mga ito, maisaayos ang ballistic record at mahiwalay sa pamamagitan ng klasipikasyon ng mga legal at ilegal na mga sandata na hawak ng mga sibilyan.

Pambansa Slider Ticker Abu Sayyaf ilegal na armas Jesse C. Ong Moro Islamic Liberation Front New People’s Army

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.