ADMAR VILANDO
MULING pina-bid ng National Irrigation Administration ang pinakamalaking irrigation project sa Palawan.
Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya bubuksan nila muli ang pag-bid ngayong buwan sa P326M Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project sa Aborlan, Palawan.
Disyembre 5, 2018 nang ipinatigil ni Admin. Visaya ang naturang proyekto dahil sa problema sa Right-of-Way na nagresulta sa pagka-delay at negatibong slippage.
Binigyang linaw ng opisyal ang isyu ng pagkadelay na ipinupukol laban sa kanya.
“Please be informed that I have caused the termination of this project with corresponding Liquidated Damages and blacklisting of the concerned construction company. This will be rebidded this month with the remaining budget. On my watch, I will assure you that erring contractors will be penalized and will pay the damages they owe to the government,” saad ni Admin. Visaya.
Ang Ibato-Iraan SRIP, na may contract amount na P454M, ay iginawad ng NIA sa Oscar R. Sarmiento Const. Inc. (ORSCI) at naibigay ang Notice to Proceed noong April 2, 2014 na may contract duration na 1,195 calendar days.
Sakaling makompleto, nasa halos 500 magsasaka mula sa 4 na barangay ng Aborlan, Palawan ang matutulungan ng naturang proyekto.