ADMAR VILANDO
NADAGDAGAN pa ang mga kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG) kamakailan nang isagawa ang turnover ceremony ng bagong assets ng PCG na 90 units ng 4-4 pick-ups, 73 na rubber boats na may outboard motor, 12 units ng rigid hull inflatable boats, 7 bus at 5 ambulansya.
Pinangunahan ang turnover at blessings ng newly-acquired assets ng PCG nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Transportation Secretary Arthur Tugade sa PCG Headquarters.
Habang tinanggap ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino ang Ceremonial Keys ng ilan sa mga ito.
Sinabi ni Lorenzana na ang mga bagong assets ng PCG lalo na ang mga bangka ay maaaring i-deploy sa West Philippine Sea at makakatulong sa mga mangingisda sa panahon ng “distress”.