TJ BUMANLAG
DALAWANG ordinaryong tao na nangarap, naniwala, nagsikap at hindi sumuko para maabot ang tagumpay sa buhay. Ang mga ito ay ang tagapagtaguyod ng Advocate Change Club (ACC) na sina founder Vince Sahagun at co-founder Cynthia Peralta na dati ay isa lamang ordinaryong mamamayan at ngayon ay isa ng milyonaryo at kahanga-hangang entrepreneur.
Sa panahon ng kabataan ni Sahagun kung kailan lahat ay gustong umangat sa buhay at maging matagumpay, inamin nito na noon masyado siyang mahiyain subalit sa kabila nito ay namasukan siya sa isang radio broadcasting company at nangarap na maging isang magaling na broadcaster.
Sa napakabilis na takbo at pagbabago sa mundo sinabi ni Sahagun sa kanyang sarili na hindi dapat sumuko sa buhay, bagkus ay mangarap ng malaki at huwag matakot sa imposible sa halip ay gawing reyalidad ang isang imposible.
Habang nagtatrabaho sa isang radio station noon, na-expose siya sa sales and marketing o pagbebenta ng kung ano-anong produkto para kumita ng extras. Doon niya nadiskubre na mayroon siyang natural na talento sa larangan ng pagbebenta at noon din ay iniwan niya ang kanyang trabaho sa broadcasting at nag-focus na sa sales and marketing.
Maraming uri ng industriya sa sales and marketing ang kanyang pinasok at sinubukan sa kagustuhan na linangin pa ang kanyang abilidad bilang professional salesman. Nagbenta siya ng mga credit cards, household cleaners, real estate, pagers at printing services. Pagdating ng panahon, nakapagpatayo rin siya ng sariling printing press.
Pinangarap din umano ni Sahagun na maging parte ng advertising industry ngunit hindi siya pinalad hanggang sa mapasok niya ang mundo ng multi-level marketing (MLM) o mas kilala sa tawag na networking kung saan magbebenta ka ng produkto at mag eenganyo sa ibang tao na sumali rin at magbenta ng produkto at kung marami kang naibenta at nahikayat na sumali rin ay tiyak na mas malaki ang matatanggap mong kita at kumisyon.
Gayun pa man sa dami ng klase ng MLM o networking sa bansa na una niyang sinubukang pasukin ay hindi maiwasan na siya ay mapasok sa sakim at manlolokong MLM kaya’t siya ay dumanas din ng ilang mga kabiguan sa larangang ito.
Ngunit sa halip na madismaya sa mundo ng MLM ay mas lalo pa siyang nagka interes dito at naniwala sa kagustuhan niyang mapagtagumpayan ito.
Pahayag ni Sahagun hindi kailanman itinuring niyang pagkatalo ang kanyang pagkakamali kundi daan lamang para siya ay matuto sa larangang kanyang pinasok. Dahil sa halos isang daan (100 MLM companies) na kanyang napasukan, sa dalawang porsyento lamang dito siya unang kumita ng milyon. Dahil sa pagtaas at pagbaba niya sa industriyang ito kaya siya naging eksperto sa pagpapalago ng kanyang mga kitang pinansyal.
Na siya ring nag resulta sa pagkakatatag ng Advocate Change Club, isang non-profit non-stock corporation, isang mabuting industriya ng MLM na layuning matulungan ang mga gaya niyang nangarap na umasenso at maging matagumpay sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay suporta at solusyon para magkaroon ng permanenteng kabuhayan ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Advocate Change Club ay taos pusong ibinabahagi ni Sahagun ang kangyang talento, kaalaman kung ano ang susi sa Industriya ng MLM para magtagumpay at kumita ng malaki sa larangang ito.
Gaya na lamang ng kanyang anak na si Erick John Sahagun na sumunod sa yapak ng kanyang amang masipag at determinado sa buhay kaya naman ngayon ay tinatamasa na rin niya ang bunga ng kanyang pagsisikap.
Dahil sa abilidad si Dr. Vince Sahagun ay aktibong miyembro rin ito ng Philippine Association of Professional Speakers bilang Junior Chamber International Makati Board of Director; Rotary Club Business Park, Head ng Livelihood Committee; Member of Business Network Incorporated at pinagmamalaking katuwang ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Quezon City.
Kamakailan lang ay pinarangalan si Sahagun bilang Honorary Doctor of Humanities ng prestihiyosong Asian University International.
Binalikan din nito ang kanyang hilig sa broadcasting at ngayon maririnig siya kapartner ni Peralta tuwing Linggo sa DZAR Sonshine Radio programa na “Negosyo at Kalusugan” na ilang buwan pa lamang sa ere ay nakatanggap na ng parangal bilang Best Business and Radio Program ng 2019 mula sa Consumer Choice Awards.
Kilalanin naman natin ang co-founder ng Advocate Change Club si Cynthia Peralta at alamin kung ano ang kanyang naging karanasan sa buhay at nagsilbing inpirasyon niya para maabot ang kanyang mga pangarap.
Pagbabahagi ni Peralta habang nagbabalik tanaw sa kanyang kabataan, palagi niyang tinatanong sa sarili kung bakit siya nandito sa mundo? Ano ang kanyang layunin? At papaano niya iyon makakamit.
Labingdalawang taon gulang siya noon nang sumakabilang buhay ang kanyang ama at simula noon ay tinaguyod na silang magkakapatid ng kanyang mahal na ina.
Hindi lamang umano ito naging ilaw ng kanilang pamilya bagkus ay ito ang naging matibay nilang sandigan at pinagkukunan ng lakas.
Araw-araw ay nakikita niya kung paano naging matapang at malakas na hinarap ng kanyang ulirang ina ang lahat ng kahirapan sa buhay para masiguro lamang na makapagtapos silang magkakapatid ng pag-aaral.
Hindi naman nabalewala ang lahat ng mga sakripisyong ito at pagsisikap nito para sa kanila dahil nagawa nitong lahat ang mga pinapangarap nito para sa kanyang mga anak.
Para kay Peralta isang superhero ang kanyang ina, matapang, malakas at matibay ang loob sa anumang hamon ng buhay. Isang babae na may puso, paninindigan at naniniwala sa kanyang sariling kakayahan.
Maraming babae ang kagaya ng kanyang ina na kahit may kinakaharap na mga sirkumstansya sa buhay ay nananatili paring matatag at madiskarte at hindi lamang basta naka depende sa kani-kanilang mga asawa o katuwang sa buhay.
Nais ni Peralta na matulungan ang lahat na mga babae kahit ano pa ang katayuan nito sa buhay, edad, natapos at mga paniniwala o relihiyon, na sila rin gaya niya ay magkaroon ng malaking oportunidad na makontrol o gumawa ng sarili nilang kapalaran.
Tulad ng kanyang ina, malakas ang paniniwala ni Peralta na tayong mga kababaihan ay may kakayahang baguhin ang mundo.
Ang adhikaing ito ang dahilan ng pagtatayo niya ng Advocate Change Club na susuporta sa mga kababaihang determinadong magkaroon ng mas magandang buhay at siguradong pagkakakitaan.
Sa Advocate Change Club tiyak ay matutulungan ang mga babeng naniniwala na walang limitasyon ang makakamit nila sa gusto nilang maging buhay sa pamamagitan ng pag-aalalay sa isa’t-isa.
Para sa mga interesadong makipag business partner sa Advocate Change Club, tumawag sa 09157184717.