AYON kay AFP Chief of Staff Lieutenant General Noel Clement hindi nila kinukunsinte ang anumang pangmamaltrato o hazing.
ADMAR VILANDO
KINONTRA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panukala ni AKO Bicol Party-List Representative Alfredo Garbin na ihinto ang recruitment ng PMA o Philippine Military Academy kasunod ng kaso ng hazing.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lieutenant General Noel Clement, posibleng maapektuhan ang kanilang hanay kung ititigil ang recruitment ng mga kadete.
Sa PMA kumukuha ng mga bagong sundalo na papalit sa mga nagretiro at nasawi sa operasyon laban sa mga kaaway ng gobyerno.
Dipensa pa ni Clement, marami ng nagbago ang kanilang organisasyon at hindi nila kinukunsinte ang anumang pangmamaltrato o hazing.
Nais naman kumuha ng AFP ng third party mula sa labas ng PMA para mailatag ang reporma sa akademiya.