SINABI ni AFP Sptokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na ang stripping ay kasama sa kanilang pagsusumikap na matigil ang maltreatment o hazing sa akademiya.
MJ MONDEJAR
SINUSURI na rin ng mga opisyal ng Philippine Military Academy kung may mga senyales ng injury ang kanilang mga kadete.
Kasunod ito ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio at pagka-ospital ng dalawa pang kadete dahil sa umano’y hazing sa kabila ng pagpapatibay sa Anti-Hazing Law noong 2018.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, nagsasagawa na ng tinatawag na stripping sa PMA kung saan iniinspeksyon ang mga cadet ng kani-kanilang tactical officers.
Partikular aniya sa tinitingnan ay kung may mga pasa, galos at kung may nararamdaman na anumang sakit ang mga kadete.