Bumilis ang internet sa Pilipinas simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng AKAMAI, isa sa pinakamalawak na computing platforms sa buong mundo.
Ayon sa AKAMAI, sa unang buwan ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay umaabot lamang sa 7.44 mbps ang average download speed for mobile habang 7.91 mbps naman ang fixed broadband.
Pero nitong Abril ng 2019 ay pumalo na sa 14.73 mbps o 97.98 percent ang download speed para sa mobile habang nanatili naman sa 7.91 mbps o 135.90 percent ang broandband speed.
Bukod sa Pilipinas, tinukoy din ng AKAMAI ang Thailand at China na nangunguna sa Asia Pacific Region na may kapuna-punang pag-unlad ng internet speed o 20 percent quarterly boost.
Positibo naman ang forecast ng AKAMAI sa estado ng internet sa Pilipinas.
Ito ay makaraang aprubahan ni PANGULONG RODRIGO DUTERTE ang planong magtatag ng national broadband network na tinatayang aabot sa $1.5 hanggang $4.0 billion dollar o katumbas ng p77 hanggang p200 billion pesos.