YNA MORTEL
INATAKE ng militanteng grupong Al Shabaab mula Somalia ang Camp Simba military base sa Kenya noong linggo na ginagamit ng US at Kenyan forces.
Nasawi ang isang US military at dalawang contractors habang dalawang US personnel mula sa Dept. of Defense ang sugatan sa insidente.
Ayon sa Kenyan defense forces ay apat na terorista rin ang nasawi sa pag-atake at agad napigilan ng mga sundalo ang tangkang security breach ng rebeldeng grupo sa Manda Airstrip.
Inako naman ng Al Shabaab, na konektado sa militanteng grupong Al Qaeda ng Pakistan, ang naganap na pag-atake.