Pinagsama ng isang lalaki sa Texas ang kanyang hilig sa tornado at pag-ibig sa isang babae sa isang pagkakataon, kung saan ay nag-propose siya sa kanyang kasintahan sa harap ng paparating na tornado.
Sinabi umano ni Alex Bartholomew sa kanyang kasintahan na si Britney Fox Cayton na pupunta sila sa nakasanayang paghahabol ng tornado, na sa totoo ay may plano siyang mag-alok ng kasal sa babae.
Sa tulong ng kaibigan ni Alex ay nakuhanan nang husto ang malaking tornado sa likod ng isinagawang proposal, na lubos na ikinasiya niya dahil humigit pa sa inaasahan niya ang nangyaring proposal.