Ni Edmund C. Gallanosa
KAMAKAILAN lamang isang selebrasyon ang inihandog ng batikang pintor na si Tam P. Austria sa kaniyang mga kababayan na tinawag niyang ‘Kuwentong Pintor.’ Ginanap ito sa kanilang tahanan sa Antipolo City, na tinatawag naman niyang ‘Bahay-Sining.’
Maliban sa regular niyang bisita na kapwa pintor, art collectors, sa isang pambihirang pagkakataon, inimbitahan ng mag-asawang Tam at Divine Austria ang mga kandidata ng Ms. Philippines 2017 na ikinatuwa ng mga bisita.“We felt we wanted to reach out more people,” masayang pahayag ng party host.
Nakasanayan naming tawagin siyang Tito Tam, aniya, layon umano ng selebrasyon ang tipunin ang lahat para sa isang ‘sketching session and art forum,’ “We wanted our listeners to be inspired and appreciates with passion the love for arts.” Sabi ni Mr. Austria. Ang mga kandidata ng Ms. Philippines? Sila ang nagsilbing portrait models ng sketching session ng araw na iyon.
“Because Divine and me decided our pageant candidates are the best model portraits for our sketching session, we decided to extend our invitation to them.” Tugon pa ni Mr. Austria.
“Alam niyo bihira ang mga ganitong pagkakataong nabibigyan ang mga artists ng oportunidad na makapagbigay ng kani-kanilang experiences sa buhay. And we really appreciate the efforts na he really wanted to share our experiences para ma-inspire ‘yung mga bata and other younger artists.” Sabi naman ni Raphael “Popoy” Cusi.
Makulay na Buhay
Tunay ngang makulay ang buhay ni Tam P. Austria. Ipinanganak siyataong 1943. Mahirap at salat sa buhay ang kinalakihan ni Tam sa bayan ng Tanay, Rizal.
Nakatira sila isang barong-barong na kubo, masikip, umuuga. Taong 1950, isang pari ang nakapansin sa kaniyang talento at minulat siya sa mundo ng sining. Tinulungan siyang makakuha ng 4-year high school scholarship. Taong 1960, nakapag-enroll siya sa University of Sto. Tomas.
Dumating ang pagkakataong nakilala niya si Marie Divine Sagaral, at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang supling. Nagpursigi si Tam upang maitawid ang pangangailan nila.
Subalit sa mahabang panahon napansin niyang tila walang pinagbago sa kanilang kabuhayan. Sa barong-barong pa rin sila nakatira—masikip, umuuga pa rin.
Kalbaryo, Hamon sa Buhay, Sikap at Tiyaga
Naalala ni Tito Tam, noong nanliligaw pa lamang siya, aniya, sinabihan siya ng kaniyang magiging biyenan kung kaya niyang buhayin ang kanilang anak sa pagpipinta lamang. “Naging challenge ‘yan sa akin. Masakit man pero tinanggap ko ‘yun na parang hamon sa akin. The more I pursued, the more I became passionate,” dagdag pa ni Tito Tam.
“Naalala ko pa ‘yung isang pagkakataon. May art dealer na pumupunta pa sa aming bahay sa Tanay para bumili ng aking paintings. Dahil binabarat ‘yung aking gawa, ako naman nagmamatigas, eh ang inabot ko pa, kinukutya pa ako. Dahil sa nakita niya na ‘yung bahay ko gawa sa kahoy at lumang-luma pa, tuyo’t na tuyot, sabi niya, ‘gusto mo sunugin ko pa ‘tong bahay mo?’ Wala akong magawa so bebenta ko na lamang ulit sa mababang halaga, magkaroon lang ng kita.”
“But this kind of people, I realized, were the ones that made me stronger. They made me persevere more,”paliwanag niya.
Dumaan din sa pagsubok ang kanilang relasyon. “Nagkakatampuhan kami ng Tita Divine mo, dito ako sa Pilipinas at siya naman umalis pa-Amerika. Ako naman susuyuin ko siya, kako umuwi ka na dito kasi may exhibit ako—at kailangan ko siya. Ganiyan ang mga dinaanan namin.”
Sa Pagsusumikap may Matatamis na Nakakamtan
“If I did gave up painting noon, I am not sure now what I am today. But, for whatever we have achieved with your Tita Divine, it is because I stick with my love for arts and I did not stop loving it.” Dagdag pa ng pintor.
Taong 1999, lumabas sa merkado ang kaniyang philosophy-biography book na RECREAMINDOISM RENA, na naglalaman ng sinusunod niyang pilosopiya sa buhay, at noong Nobyembre taong 2015 lumabas ang isa pa niyang libro, ang “Zeal for Art,” akda ng batikang na art critic-historian na si Alice Guillermo.
Sa ngayon ang mag-asawang Austria ay kinakikitaan ng sigla at lakas na ipamahagi ang kanilang biyaya at kaalaman sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang may-bahay ng Tito Tam, Si Tita Divine, ngayon ay isang matagumpay na negosyante at philantrophist, ay ginawaran kamakailan ng Ulirang Ina Award ng PAMANA Awards USA 2017, at habang isinusulat ito, si Mrs. Divine Austria ay ginawaran din ng Special Award bilang outstanding alumna sa kaniyang Alma Mater sa Jolo, Sulu.
“We create in the atmosphere of peace, unity and prosperity movement—without peace nobody can move forward.This is what the philosophy is all about. First you find the peace within you. It is the one that will keep you going—pasasalamat and prayer sa Poong Maykapal, and then the peace within you. Pagka mayroon ka na nito, hindi ka basta-basta matitinag at mawawala sa direksyon. And then when you have accomplished enough for you and your family, you share your blessings. That will truly make you happy.” Patapos na payo ni Mr. Tam P. Austria.