Nahaharap ngayon sa mahigit P20-milyong tax evasion complaint ang kumpanyang All Best Chodvale Development Inc., o All Best na pagma-may-ari ng dating basketbolistang si Franz Pumaren.
Ayon sa BIR, nabigong magbayad ang naturang retailing company ni Pumaren ng P20.4million na buwis para sa taong 2009.
Si Pumaren ang tumatayong presidente ng All Best.
Nasa retailing bussiness ang All Best Chodvale na may registered address sa Greenhills Street Mandaluyong City.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Pumaren sa tax evasion case na kinakaharap ng kanyang kumpanya.
Ito na ang ika-41, na kumpanya na kinasuhan ng BIR bilang bahagi ng kanilang run after tax evaders o rate program sa ilalim ng Duterte administration.