JAMES LUIS
NA-TRADE pabalik ng Atlanta Hawks ang 11th year veteran ng Minnesota Timberwolves na si Jeff Teague.
Papalit naman sa point guard ang Hawks shooting guard na si Allen Crabbe.
Nakapag-average na si Jeff ng kabuuang 13.4 points at 7.1 assists sa buong 146 games nito sa isa’t-kalahating season sa Minnesota.
Kung babalikan naman ang naging performance ni Jeff sa kaniyang dating team na Atlanta ay nakapaglaro na ito ng pitong NBA Season.
Samantala, nakipag-deal na rin ang Minnesota sa Hawks para mapabilang sa kanilang roster ang shooting guard na si Treveon Graham.