Ang Alzheimer’s disease ay isa sa mga pinakadelikadong sakit sa utak kung saan sinisira nito ang memorya ng isang tao maging ang personalidad ng biktima nito.
Sa ngayon ay umaabot na sa limang milyon ang mga amerikanong naapektuhan nito at tinataya nga na ang Alzheimer ang ikaanim sa dahilan ng pagkamatay sa Amerika.
Sa isang pagsusuri na ginawa ng Arizona State University, University of California, Irvine at Mount Sinai sa New York, lumalabas na mayroong bagong tuklas sa pagkakaroon ng necroptosis o pagkamatay ng brain cells at may kaugnayan ito sa pagkakaroon ng Alzheimer.
Natuklasan ng mga eksperto ang unang ebidensya at kaugnayan ng necroptosis sa Alzheimer’s kung saan parehas na nagkakaroon ng neuronal loss ang biktima at lumiliit rin ang utak nito.
Ang necroptosis umano ay nagdudulot ng pagsabog ng mga brains cells at pagkatapos ay namamatay ang mga ito. Ito ay nagmumula sa pagkukulang ng protina ng isang biktima.
Sa pagsusuri, kaya daw gumagaan ang ulo kapag may Alzheimer ay malapit na umano ito maubusan ng neuron dahil sa pagkamatay nito.
Umaasa naman ang mga eksperto na ang kaugnayang ito ng necroptosis at Alzheimer’s ang magdudulot ng pagkatuklas ng lunas sa Alzheimer.