• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - April 16, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Ana Paula A. Canua

Mga paraan para mabilis ang paghaba ng buhok

May 10, 2019 by PINAS

Ni: Ana Paula Canua

MADALAS ninanais natin na sana mahaba ang ating buhok upang bumagay ito sa maraming hairstyle na ating nakikita sa mga paborito nating artista o K-Pop idol. Kaya naman imbes na mainip at mangarap na lamang, narito ang ilang tips upang mabilis na mapahaba ang buhok habang  napapanatili ang sigla nito.

Ang ating buhok ay may tatlong phases, anagen kung saan tumutubo ang buhok. Catagen o mabagal na paghaba at telogen o ang pagtigil at kadalasang hairfall stage ng buhok.

 

1.  Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng manok, itlog, at yogurt. Ang hairfall ay kadalasang senyales ng kakulangan sa protina sa katawan.

2.   Pataasin ang iron at zinc intake. Ang spinach, beans at seafoods ay mayaman sa zinc, may kakayahan ang mga itong patibayin ang inyong buhok upang makaiwas sa split ends at breakage ng hibla.

3.    Kumain ng mga mayaman sa biotin gaya ng itlog, keso, mushrooms, almonds at cauliflower, ito ay nagbibigay sigla at moisture sa buhok. Mainam din ang mga pagkaing mayaman sa B vitamins — isda, karne, dairy products, madadahon na gulay, cereals, peas at beans — na nagbibigay ng kintab at buhay sa ating buhok.

4.   I-trim ang buhok, mukha mang kabaligtaran, ang pag-trim ng mga dulo ng buhok ay nakakatulong para mawala ang split ends na nagiging dahilan ng pagkakabuhul-buhol ng hibla ng buhok at buhaghag na itsura nito.

5.  Gumamit ng seda o silk bilang na pillow case. Ang friction sa buhok at cotton na punda ay nagiging dahilan kung bakit paggising ninyo ay maraming hairfall sa inyong higaan.

6.  Iwasan na ibalot ang buhok sa tuwalya, nagdadahilan din ito ng matinding friction sa buhok. Maingat na pigain na lamang ang buhok gamit ang kamay.

7.   Iwasang mag-shampoo araw-araw. Nawawala ang natural oils ng buhok kaya ito madaling maging dry at bumuhaghag. Sa halip tiyakin na araw-araw na mag conditioner, mag shampoo lamang every other day maliban na lamang kung madalas lumabas at nae-expose sa init at alikabok sa daan.

8.  Iwasan ang paggamit ng hot water sa anit, tinatanggal nito ang natural oils at dahilan din ng pagkapanot. Samantalang ang cold water pinapanatiling tight ang hair follicles kaya maiiwasan ang hairfall.

9.   Gamit ang dulo ng mga daliri, imasahe ang anit, gawin ito sa paikot na mosyon. Mainam na gawin ito bago matulog ay kapag tuyo na ang buhok matapos maligo at mag shampoo.

Lifestyle Ana Paula A. Canua Mga paraan para mabilis ang paghaba ng buhok PINAS

KIERAN BEHAN: Hindi nagapi ng mga pagsubok

May 10, 2019 by PINAS

Ni: Ana Paula A. Canua

IMBES na baseball at soccer na karaniwang nilalahukan ng mga batang kalalakihan, ang sport na nais pasukin ni Kieran Behan ay ang gymnastics. Simula pa noon, buo na ang kanyang loob na ito na ang pangarap na kanyang nais tuparin.

Ngunit, malinaw sa paslit na si Kieran, kung hanggang saan siya maaring dalhin ng tagumpay at husay. At upang marating ang tagumpay, gumugugol siya ng maraming oras sa pagsasanay. Walang tigil si Kieran sa pagsailalim sa routine upang mas mapalawak ang kanyang kakayahan — hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.

Pangarap na naudlot 

Noong sampung taong gulang si Kieran nadiskubre ang lumalaking tumor sa kanyang binti. Pagkatapos ng operasyon ilang buwan siyang nag wheel-chair. Sa puntong iyon hindi pa malinaw kung isang daang porsyento na makakabalik siya sa dating lakas at husay.

Sumailalim sa therapy si Kieran para manumbalik ang lakas ng kanyang binti at balanse sa pagtayo. Makalipas ang 15 buwan, sa unang pagkakataon muli siyang tumapak sa gym para magsanay nang paunti-unti.

Napuno muli ng saya at sigla si Kieran nang muling maipagpatuloy ang kanyang pangarap. Kahit papaano nakuha niya ulit maaninag ang pag-asa na mabubuo muli ang kanyang routine bilang atleta.

Ngunit, hindi dito nagtapos ang unang yugto ng pakikibaka ni Kieran sa hamon ng kanyang pisikal na kalagayan.

Dumating ang hindi niya inaasahan — isa na namang pagsubok.

Isang bagong hamon

Pagtungtong ng 12 taong gulang, sa kasagsagan ng kanyang training sa high bar, nangyari ang hindi inaasahan —isang freak accident. Tumama ang likod ng ulo ni Kieran sa apparatus habang ginagawa ang routine. Nagdulot ito ng matinding damage sa kanyang utak na nakakaapekto sa kanyang balanse at paggalaw.

Labis na kalungkutan at pagkabigo ang naramdaman ni Kieran dahil kahit simpleng pag-upo at paglingon ay hirap siyang gawin. Alintana ni Kieran na unti-unting ginugupo ng kanyang kondisyon ang kanyang pangarap.

Sa unti-unting pagsuko ni Kieran, hindi naman tumigil ang kanyang pamilya na gawin ang lahat ng paraan para muling manumbalik ang sigla at kakayahan niya. Isinailalim nila si Kieran sa maraming therapy sessions at tinutukan ang pagpapabuti sa kanyang kalusugan.

Mahirap mang tanggapin ang sinapit ng anak, ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para muling makalakad at maipagpatuloy ni Kieran ang kanyang buhay at pangarap.

Tumigil sa pagtatrabaho ang ina ni Keiran na si Bernie Behan upang ibuhos ang kanyang buong atensyon sa recovery ng anak.

“He kept telling the doctors, ‘I can walk — tell them Mom that I can walk.’  I’d go to the car park and cry my eyes out, then walk back and say: Yes, Kieran, you can do this. We can do this. I believe you, son,” kwento ni Bernie.  Dagdag pa niya wala ng mas sasakit pa sa makita ang anak na nagdudusa.

Makalipas ang dalawang taon, nanumbalik ang eye at hand coordination ni Kieran. Ikinagulat ito ng mga doktor at binansagan siyang “miracle boy.”

Nagtuloy-tuloy ang recovery ni Kieran at habang patuloy din sa paghahanap ng pantustos ang kanyang magulang, pinagsabay-sabay nila ang pagbebenta ng pastries, candies at pagpasok sa car wash business para mairaos ang recovery expenses ng anak.

Pagbalik ng pangarap

Matapos matanggap ang go signal ng doktor na maari na muli sumabak sa gym si Kieran, hindi na muli pinalampas ng atleta ang pagkakataon na i-resume ang routine — ang magpahagis-hagis sa ere at liparin ang kanyang pangarap.

Noong 22 gulang na siya, wala nang nakapigil kay Kieran.  Sumabak siya sa Gymnast World Cup at nag-uwi ng tatlong medalya, isa dito ang gintong medalya na kauna-unahang nasungkit ng Ireland sa larangan ng gymnastics.

Naging daan din ang kanyang pagkapanalong iyon para makarating sa London Summer Olympics.

“I felt like I was in a fairy tale when I got here, all I could think about was: Is this a dream? Tell me this really happening,” sabi ni Kieran.

Inuwi ni Kieran Behan ang gold medal sa category ng vault, horizontal bar at floor exercise. At hindi lamang iyon dahil walang kaalam-alam si Kieran na umukit siya sa kasaysayan ng gymnastics bilang pangalawang Irish gymnast na nakapasok sa Olympic games.

“To think years and years ago I was told ‘you’re never going to be able to walk again let alone do gymnastics’ to find out I’m going to the Olympic Games is something that dreams are made of. To come from all that and everything that’s happened with injuries.  I’ve got the luck of the Irish on my side most definitely.”

“I wouldn’t be here now if it wasn’t for my friends and family, and coaches, and everyone who stuck around and have been there supporting me,” pahayag ni Kieran Behan na walang pagsidlan ang kasiyahan.

“I think it’s probably just in my blood, of this astounding resiliency. I was just born to do this.”

“The more people say that I’ve inspired them, the more it inspires me to continue what I’m doing and to make people proud.”

Sports Ana Paula A. Canua KIERAN BEHAN Hindi nagapi ng mga pagsubok PINAS

Paano pakitunguhan ang mga negatibong tao

March 12, 2019 by Pinas News

 

Ni: Ana Paula A. Canua

MAHALAGA sa isang tao ang positibong pananaw sa buhay. Nagsisimula ito sa pagkakaroon ng mabuting ugali at pokus sa gawain.  Sa katunayan masarap katrabaho at kasama ang mga taong nagbibigay ng mabuting impluwensya, sigurado kasi na kakayanin ang anumang hamon sa buhay kapag magaan ang inyong pagsasamahan.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ganito ang nangyayari dahil nakakatagpo rin tayo ng mga taong dala dala ang negatibong impluwensya, mga taong may ugaling hindi kanais-nais at mga gawaing naglalapit sa problema.

Upang magtagumpay na paunlarin ang sarili kailangang iwasan na maapektuhan ng mga negatibong impluwensya. Narito ang tips upang manatiling positibo at magbahagi ng positibong impluwensya sa kapwa.

  1. Alamin ang negatibong tao na maaring makaimpluwensya sa inyong trabaho o paaralan. Pansinin ang mga ugaling hindi kanais-nais gaya ng pagiging atrasado, tamad, mapagmalaki, makalat, tsismosa, mareklamo o ‘di kaya ay ang pagkakaroon ng bisyo. Ang mga ito ay nagdadala ng bigat sa kalooban at minsan ay kapahamakan pa.
  2. Iwasang gumugol ng mahabang oras kasama sila. Maglagay ng distansya, dahil sa kabuuan hindi magandang ideya na manatiling malapit sa kanila.
  3. Sa kabila ng pag-iwas manatiling propesyonal. Ngayon na tukoy mo na ang problema daanin sa malinaw at maayos na usapan ang anumang gawain.
  4. Mag ‘set’ ng boundaries sa mga negatibong tao. Hindi maiiwasan na magkaroon ng proyekto kasama sila, kung mag-uusap kayo at nararamdaman mo na nagsisimula na silang magbahagi ng negatibong enerhiya, huwag nang umimik, magbibigay ito ng ideya sa kanila na wala kang interes.
  5. Maging mas malapit sa mga taong naghahatid ng positibong impluwesya, sila ang taong produktibo at may pagpapahalaga sa kapakanan ng kapwa. Isabuhay ang kanilang magandang ugali at gawing inspirasyon upang magpursige sa trabaho.
  6. Panatilihin ang magandang pananaw sa trabaho. Madalas kapag tayo ay napapagod, nawawalan din tayo ng giliw sa paggawa, kapag nangyayari na ito magpahinga, maglaan ng oras tuwing linggo sa mga gawain na hilig mo, gaya ng pamimili sa mall, panonood ng sine at  magpunta sa salon. Alagaan ang inyong sarili at maglaan ng mental break upang mawala ang stress at mapanatili ang positibong pananaw sa buhay.

Buhay Slider Ticker Ana Paula A. Canua Paano pakitunguhan ang mga negatibong tao PINAS

Hydropanel Technology, ang tubig na maiinom mula sa hangin

January 3, 2019 by Pinas News

SA kasalukuyan nasa 12 bansa na ang naabot ng Hydropanel Technology. Nagkakahalaga ng $2,000 ang isang panel.

 

Ni: Ana Paula A. Canua

ANG tubig ay buhay, ngunit paano kapag dumating ang punto na limitado na ang supply ng tubig sa mundo?

Ang ating planeta ay tinatawag ding Blue planet dahil sa mataas na bahagdan ng tubig sa ating kapaligiran. Alam niyo na 70 porsyento ng earth surface ay binubuo ng tubig, ngunit sa kabila nito nasa 3.5 porsyento lamang ang maaring mainom.

Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) nasa 884 million na tao sa buong mundo ang kulang o walang mapagkukuhaan ng malinis na maiinom na tubig. Ayon din dito, kapag hindi tuluyang napangalagaan ang kalikasan, tinatayang sa taong 2025 aakyat ng kalahati sa kabuuang populasyon ang dadanas sa limitadong mapagkukuhaan ng tubig.

MATAPOS dumaan sa proseso ng pagkolekta at pagsala, maari nang mainom ang tubig mula sa Hydropanel.

 

Hydropanel technology

Nagmula sa kompanyang Zero Mass Water ang ideya ng hydropanel technology, ngunit paano nga ba naging posible ang makakuha ng tubig mula sa hangin?

Kadalasan na mula sa sinalang groundwater ang tubig na ating iniinom, ngunit sa pamamagitan ng SOURCE Hydropanel maari na ring makuha mula sa  atmospheric water vapor o tubig na nakasuspendi sa  hangin  ang maiinom na tubig. Ang nakakabilib pa kahit sa disyerto kung saan mababa ang water vapor level ay maari pa ring may makuhang tubig.

Maikukumpara ang hitsura at laki ng hydropanel sa solar panels.  “No wires or pipes going in, and only a single tube filled with safe, delicious drinking water leading out, right to your tap,”  pagsasalarawan ng tagapagsalita ng  kompanyang Zero Mass Water.

“Each panel has a programmable circuit board that runs an algorithm,” paliwanag ni Mike Robinson, mechanical engineer ng  Zero Mass.

“The harvested vapor is sterilized and turned into a liquid. The device adds minerals to increase the water’s pH levels (to make it taste more like bottled water), and stores the water underneath the panels in a reservoir that can hold 30 liters. Lastly, the water travels from the reservoir to a faucet through a pipe,” dagdag niya.

KUHA sa isang malayong bayan sa Ecuador kung saan nakatulong ng malaki ang Hydropanel technology.

 

Trial stage

Matapos maisakatuparan ang konsepto ng hydropanel technology, sinimulan itong idaan sa trial periods upang matiyak na ligtas at malinis ang tubig na maiinom mula sa water vapor.

Unang sinubukan ang hydropanel technology  sa iba’t ibang lugar sa Australia, kabilang ng Sydney, Perth, Adelaide at ang iba pang regional towns at remote communities kung saan mababa ang reserba ng tubig.

 Umabot sa kabuuang halaga na $420,000 ang pag-install ng 150 hydropanels para sa trial stage nito.

Matapos mapagtagumpayan ang trial stage, sinimulan na  mag-install ng hydropanels sa isang bahay ampunan sa Lebanon, refugee camps sa Jordan at Lebanon, at pati ang Arizona dessert ay naabot din ng nasabing teknolohiya para naman  magbigay ng tubig sa mga hayop na naninirahan doon.

Layunin ng hydropanel technology

“The potential benefits of this technology to the environment are important, this pilot project also can produce reliable drought-resistant water sources to remote communities while simultaneously reducing the amount of plastic bottles that end up in landfills,” paliwanag ni Ivor Frischknecht, CEO ng Australian Renewable Energy Agency (ARENA) ang katulong sa proyekto ng Zero Mass Water company.

Dalawang pangunahing motibasyon ang nasa likod ng proyekto. Una ay para makapagbigay ng malinis na tubig sa mga malalayong lugar, lalong-lalo na yung mahirap mapagkuhaan ng tubig.

Ayon sa  kompanya, dahil sa mga hindi inaasahang pagbabago sa ating kapaligiran tulad ng climate change isama pa ang walang katiyakan na reserba ng malinis na maiinom na tubig, nais nilang bigyan ng solusyon ang posibilidad ng water shortage at magbigay ng access sa potable drinking water.

Layunin din ng kompanya ang mabawasan ang plastic water bottles na nagiging basura lamang kinalaunan. Sa pag-aaral na ginawa nila, sa Australia pa lamang nasa 2.3 million consumers ang tumatangkilik sa water-bottled products.

“About half a trillion liters of bottled water are sold each year at a huge cost and use of plastic,” pahayag ni Cody Friesen, CEO ng Zero Mass Water.

Karaniwan sa mga ginagamit nating water bottles ay gawa sa PET, isang uri ng plastic na kapag hindi maayos na narecycle ay aabutin ng ilang libong taon bago tuluyang mabulok.

Gaano karaming tubig ang maaring makuha sa isang araw?

Nakadepende sa lokasyon at water vapor level ng lugar ang dami ng makukuhang tubig mula sa hydropanels. Ngunit sa isinagawang test sa Mexico City, nasa limang litro ang nakolektang tubig sa dalawang hyropanel sa isang araw. Ayon sa rekomendasyog konsumo ng US Department of Health and Human Services, sasapat na ang limang litrong maiinom na tubig  para  sa isang pamilya na may tatlong miyembro.

“It utilizes an ultra-absorbent material that collects water from the air around it even in arid conditions. An average of three to five liters of water is produced per panel per day” paliwanag ng kompanya.

Halaga ng hydropanel

Aabot ng $2,000 ang halaga ng isang hydropanel, ngunit inaasahan na baba pa ang halaga nito paglaon kapag nagsimula na ring umusbong ang iba pang kompanya na nais gumawa ng kaparehong na teknolohiya.

Darating na sa Pilipinas

Sa pamamagitan ng grant money na pinagkaloob ng Asian Development Bank, madadala na sa Pilipinas ang hydropanels.

“This grant is $2,000 multiplied by 40,” paliwanag ni Yongping Zhai, ADB energy sector chief.

“The Philippines’ fragmented geography adds extra barriers for reliance on traditional water infrastructure, yet makes it ideal for our technology to provide families, communities and businesses with drinking water,” paliwanag ni  Friesen.

Ang nasabing 40 hydropanels ay nakatakdang i-install sa mga electric cooperatives sa Pangasinan, Bukidnon, Agusan del Sur, Davao del Sur, Bohol, Samar, Davao del Norte at Misamis Occidental.

“We have experienced many drinking water shortages here in the Philippines, which is why we need to look into renewable solutions that won’t add strain to our already overburdened grid,” saad ni Glenn O. Tong, director ng Green Heat, co-partner ng Zero Mass Company sa pagdala sa Pilipinas ng Hydropanels.

Slider Teknolohiya Ticker Agusan del Sur Ana Paula A. Canua Arizona dessert Australian Renewable Energy Agency (ARENA) Bohol Bukidnon Cody Friesen Davao Del Norte Davao Del Sur Glenn O. Tong Jordan Lebanon Mexico City Mike Robinson Misamis Occidental Pangasinan Samar US Department of Health and Human Services World Health Organization (WHO) Yongping Zhai Zero Mass Water

DIY black heads remover and facial mask-in-one

December 18, 2018 by Pinas News

black heads

Ugaliin na magfacial scrub, isang beses sa isang Linggo para maiwasan ang pimple breakout at para maalis ang blackheads. 
FACIAL steam, ang pagbukas ng pores ang unang hakbang para sa mabisang paglilinis sa mukha.

 

Ni: Ana Paula A. Canua

KUNG nag-aalangan na gumamit ng pore strips at facial masks dahil sensitive ang inyong balat, maaring sundin ang mga natural na paraan  para maalis ang black heads at manumbalik muli ang inyong malinis at makinis na  kutis.

1.  Mag-facial steam para bukasan ang pores. Isalin ang kumulong tubig sa isang malaking bowl, magtaklob ng tuwalya mula sa ulo hanggang balikat para hindi makawala ang steam. Magsimula sa facial steam. Tiyakin na nasa katamtamang layo sa init ang mukha at ipikit ang mga mata, itapat sa mukha ang steam sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Pagkatapos, banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig.

2.  Magexfoliate gamit ang baking soda. Mahalaga ang mag facial scrub isang beses sa isang linggo dahil bukod sa black heads, napapantay din ang kulay ng ating kutis at naiiwasan ang pimple-breakout. Ihalo ang dalawang kutsara ng baking soda sa kaunting tubig hanggang sa maging paste ito. Ipahid ang mixture sa ilong na karaniwang may blackheads, tiyakin na laging pa-circular motion ang paglilinis ng mukha. Patuyuin muna ang mixture bago banlawan.

3.  Pwede ring pang-exfoliate ang oatmeal scrub. Paghaluin ang dalawang kutsara ng oatmeal, tatlong kutsara ng plain yogurt at katas ng lemon o kalamansi hanggang sa maging paste ito. Ilagay ito sa mukha at hayaan ito ng sampung minuto hanggang sa matuyo bago banlawan ng maligamgam na tubig

4.  Egg white mask. Ibukod ang puti ng itlog, ito ang gawing facial mask. Pagkatapos linisin at tuyuin ang mukha, ipahid ito. Kapag natuyo ang unang layer, maaring dagdagan pa muli ito ng pangalawa hanggang pangatlong layer. Kapag naramdaman na humihigpit na ang kapit ng mask sa balat ibig sabihin naalis din ang blackheads at dumi sa inyong pores. Pagtuyo na saka banlawan ng maligamgam na tubig ang inyong mukha. Agad na mararamdaman ang malambot at mas malinis na kutis, bukod pa riyan nawawala rin ang wrinkles sa inyong mukha dahil sa facial lift effect ng egg mask.

Lifestyle Slider Ticker Ana Paula A. Canua DIY black heads remover and facial mask-in-one PINAS

Protektahan ang perang inipon laban sa Bank account hacking

December 14, 2018 by Pinas News

PROTEKTAHAN ang iyong bank account laban sa mga hackers.

 

Ni: Ana Paula A. Canua

HALOS lahat sa atin ngayon ay gumagamit na ng Internet para magbayad ng bills, mag money transfer, magpa-reserve sa hotel o restaurant, at bumili ng tiket. Mas pinadadali ng online banking ang proseso sa pagbili at pag-iipon, kaya naman marami sa atin ang tinatangkilik ito.

Simple lamang, hindi na kailangang pumila at mag­present ng valid ID, tanging account information lamang ang kailangan upang ma-access ang lahat ng online transactions na ito sa credit, debit card payments o kahit sa money transfer.

Upang maprotektahan ang pera at ipon ng mga kliyente ng bawat banko, mayroong security encryption na sinusu­nod ang mga ito.

Ngunit gaano man kahigpit ang seguridad may paraan pa rin ang mga masasamang loob tulad ng mga sindikato para makuha at manlimas ng pera ng iba. Narito ang ilang uri ng bank account hacking at ilang online security measures na pwedeng gamitin para mai­iwasan ang mga ito.

PROSESO ng session hijacking.
  1. PHISHING. Ito ay paraan ng paghack ng password at login details gamit ang isang website. Ang phish websites ay pekeng mga websites na

karaniwang kinokopya ang mga orihinal na websites. Ngunit paano malalaman na nasa phish website ka pala? Ang tanging paraan lamang ay suriing mabuti kung tama ba ang address bar link o ang mismong pangalan ng URL.

Paano makakasigurado na nasa original kang URL? Maaring mag-install sa iyong computer o cellphone ng web security tool bar gaya ng AVG at Crawler Web security tool bars.

  1. TROJANS. Isang uri ng computer virus na maaring makakuha ng inyong impor­masyon. Maari kayong mabik­tima ng Trojans sa dalawang paraan —sa pamamagitan ng keyloggers at RATs o remote administration tools.

Ang keylogger ay paraan ng mga hackers para mamonitor nila ang galaw sa inyong key­board at ang lahat ng inyong pinipindot na letra, numero at simbolo. Samantala gamit naman ang RAT, kayang ko­monekta ng hacker sa inyong computer system na hindi ninyo nalalaman. Paano maka­kaiwas dito? Siguraduhin na laging updated ang inyong antivirus software. Maaari rin na mag-install ng keyscram­bler na iniiba-iba ang inyong keystrokes log.

Kapag nakapasok ang Tro­jans ang tanging paraan la­mang ay i-format ang system, ibig sabihin buburahin mo ang lahat ng records at data na nasa inyong computer o cellphone.

  1. SESSION HIJACKING. Ito ay paghack gamit ang wireless networks o ang mis­mong Internet.

May kakayahan ang mga hackers na kontrolin ang inyong internet data trans­fer. Naranasan niyo na ba na mapunta sa ibang website gayong gmail o facebook naman ang URL na inyong tina-type? Kung oo, agad na isara ang website at magdis­connect muna sa Internet. Maigi rin kung i-hide sa inyong Internet setting ang SSID o ang BSSID network, upang maiwasan na matrack ka ng hackers.

HUWAG basta-basta ibigay ang detalye ng iyong bank account sa mga ‘suspicious websites’.

 

Narito ang iba pang paraan upang maprotektahan ang inyong online bank accounts.

  1. Protektahan ang inyong password o PIN, tiyakin na walang makakakita sa tuwing magtatype kayo. Maari rin na mag-install ng password manager gaya ng Pro”Dashlane 4,” “LastPass 4.0 Premium,” “Sticky Password Premium,” at “LogMeOnce Ultimate,” upang mamonitor ang inyong login details at malaman kung kailan at kung may nagtangka ba na hulaan ang inyong passcode.

Ugaliin din ang pagpapalit ng passcode ilang beses kada taon.

  1. Huwag magbubukas ng email scams o spams, gaya halimbawa kung makatang­gap ka ng notification na na­hack ang inyong bank ac­count at kailangang iverify ang inyong impormasyon. Kapag nakatanggap nito hu­wag buksan ang link sa halip ay tumawag o pumunta sa bangko upang makasigurado sa seguridad ng account.
  2. Kung ichecheck ang ac­count huwag gumamit ng public Wifi. Magduda lalo na sa mga wifi na walang password.
  3. I-verify ang web address. Tiyakin na nasa orihinal na online banking system, icheck

ang URL kung ito ba ay tama. Isa sa mga tips upang mala­man na nasa original website ay “https” ang simula ng URL at hindi “http”, isang letra man ang pinagkaiba, malaking isyung seguridad naman ang nakasalalay.

  1. Maglagay ng passcode sa inyong phone o com­puter. Paano na lamang kung nanakaw o hindi kaya ay may nangialam ng inyong cellphone? Ang paglalagay ng code sa mismong telepono ay unang hakbang upang pangalagaan ang inyong seguridad.
  2. Madalas na icheck ang inyong account, maigi kung ilang beses sa isang linggo.
  3. Mag-logout sa account kapag tapos ng gamitin ito.
  4. Mag-install ng anti-virus at tiyakin na lagi itong updated.
  5. Huwag bumisita sa mga kahina-hinalang websites.
  6. Huwag magdownload ng kahina-hinalang files.

Maiigi rin na magkaroon ng multiple bank accounts sa iba’t ibang bangko. Kapag malaki na ang ipon, ihiwalay ito sa iba’t ibang bank ac­counts. Tandaan na mainit sa mata ng mga hackers ang malaking pera, maari na maging target ka kung alam nila na malaki ang kanilang makukuha.

Isaalang-lang din ang pag­kakaroon ng ibang paraan ng investments, hindi lamang sa pera, mag-invest din sa lupa, bumili ng ari-arian o hindi kaya ay mag-invest sa stocks.

Slider Teknolohiya Ticker Ana Paula A. Canua PINAS Protektahan ang perang inipon laban sa Bank account hacking

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 14
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.