ANG pagiging organisado ay isa sa pinakamagagandang kaugaliang dapat pairalin ninuman. Dahil lahat ng bagay sa ating buhay ay talaga namang kinakailangan ng organisasyon, na totoo namang dapat nating bigyang pansin sa araw-araw. Mapatutunayan natin, na higit tayong magiging produktibo kahit sa pagiging pinakamaliit mang punto ng ating pagiging organisado — lalo pa at ikokonsidera natin ang mga tinatawag na ‘best to do list’ para sa Android phones — tulad ng mga nasa ibaba.
ANY.DO — Maaari itong i-download mula sa Google Play. Ito ay isang popular to do list’ na mapagkukuhanan ng mga pangunahing kaalaman. Halimbawa’y mayroon ka na ngang karaniwang linya ng pagkakasunud-sunod ng iyong mga gawain at mga talang maidadagdag mo upang matulungan kang ipaalaala sa iyong sarili, kung ano ang dapat mong gawin. Mayroon ding ‘cloud syncing,’ na maaari mong maakses ang iyong mga gawain sa iba’t ibang devices kasama na ang desktop, web at tablet. Mayroon din itong ‘sleek interface’ at ‘built-in support’ para sa Cal Calendar, kung nais mong makagawa ng dalawang trabaho sa isang pagod lamang. Ito ay maaasahan, simple at karamihan ng features nito ay libre. Higit sa lahat, isa ito sa itinuturing na ‘better to do list apps.’
CLOUDTASKS — Ito ay isang ‘up and coming to do list app’ na naka-sync sa Google Tasks. Nangangahulugan lang, na ito ay nakasync din sa cloud at maaari mong i-extricate ang iyong mga gawain kahit saan, sa mga panahong available ang Google Tasks. Nagtatampok ito ng mga pangunahing ‘to do list creation’ at mayroon ding ‘priority modes’ para sa mga gawaing kinakailangang matapos agad, unlimited task creation, voice task creation at ng isang napakagandang interface na kamangha-
manghang pagmasdan. Isa rin ito sa ‘to do list’ apps na ginagawang mabuti ang trabaho. Ito rin ay simple at may ‘built-in support’ sa ‘sister app’ nito na Cloud-Cal. Ang pinakanakatutuwa, maaari itong i-download mula sa Google Play.
GOOGLE KEEP — Libreng app din ito na maaari mong i-download mula sa Google Play. Ang Keep, una sa lahat ay isang note taking app. Gayunpaman, itinatampok din nito ang ‘reminders feature,’ na gumagana base sa iyong lokasyon o base sa iyong time frame para makagawa ka ng iyong ‘to do lists,’ na magpa-pop kapag ang mga ito ay kinakailangan. Madalas din itong naaupdate sa mga bago nitong features, na may ‘flawless Android Wear support’ at kasama na rin sa maraming smartphones, na magbibigay katipiran para sa pangangailangan sa isa pang third party app. Libre itong gamitin, kumpara sa iba nitong kakompetisyon sa tinatawag na ‘note taking space.’
GTASKS — Ang GTasks ay isang popular at ‘highly rated to do list app’ at isa rin sa ilang sumusunod sa simpleng ‘free-paid system.’ Ang libreng bersiyon ay may maraming features, kasama na ang ilang basics na kinapalolooban ng widgets, mabilis na pagdadagdag ng mga gawain gamit lamang ang boses at pagsi-sync sa Google Tasks. Kung ikaw ay ‘magpopro,’ makakukuha ka ng dagdag na ‘batch task,’ pattern lock for security at theming. Maaari ka ring magdagdag ng mga gawain gamit ang Google Now, kung iyon ang nais mong gawin. Maganda ito at maayos na gumagana, lalo pa’t kung ikaw ay naghahanap ng isang simple at epektibong makagagawiang gamitin.
TASKS: ASTRID TO DO LIST CLONE — Ang Tasks ay isang Astrid To Do List clone. Katunayan, inihayag ng developer na nasa titulo na ito ng app. Para sa kaalaman ng lahat, ang Astrid ay isang dating task manager na nai-shut down ng Yahoo noong taong 2013. Ginawa ng Tasks ang pangalan nito bilang isang ‘good replacement option.’ Ito ay open source application na kinokober ang lahat ng basics sa isang simple, easy to read format na gumagamit ng Material Design. Mayroon din itong Tasker support, na akmang-akma para sa mga tinaguriang ‘tinkerers’ o mgamanghihinang. Makukuha ito nang libre bagama’t may subscription service, na dapat munang ma-unlock para sa mas marami pang advancedfeatures nito.
TICKTICK — Libre ito with optional subscription. Isang simple pero kapakipakinabang na ‘to do list application.’ Ito ay may basic features, kasama ng cloud syncing upang mas masubaybayan mo ang iyong mga gawain sa pagitan ng iyong devices. Mayroon din itong ‘tag system’ upang mas madali mong mapaghiwa-hiwalay ang iyong mga gawain, widgets, priority levels upang mapag-iba-iba ang higit pang mahahalagang gawain at location reminders. Kung ikaw ay magpo-pro, makakukuha ka rin ng improved task management, improved collaboration support at marami pang iba. Isa na naman itong solido at simpleng opsiyon na gagana nang maayos. Tulad ng karamihan, kailangan mong kumuha ng subscription upang makuha rin ang pro features.
WUNDERLIST — Gaya ng mga nabanggit sa itaas, isa rin ito sa mga sikat na ‘to do list app,’ na lumikha ng ‘ingay’ nang ito ay bilhin ng Microsoft noong taong 2015. Sa kabutihang-palad naman ay napanatili ng Microsoft ang proyekto at mahusay pa ring gumagana hanggang ngayon. Mayroon itong basic features tulad din ng iba pa na may kasamang cross platform support, maraming attachment options, collaboration features at ang folders feature, na hahayaan kang iorganisa ang lahat ng iyong ‘to do lists.’ Tampok din nito ang Material Design, na palagi namang available. Lubos itong maaasahan o sapat na simple para sa basic use.