Sabihin nating ang iyong smartphone ay ang tanging kompyuter na kailangan mo at maaari naman pala itong ikonbert bilang PC, gagawin mo ba?
Pero kailangan muna nating alamin ang kahulugan ng Andromium OS.
Ang Andromium OS ay naglalayong makalikha ng desktop environment para sa Android, na hahayaan kang magamit mo ang lahat ng iyong smartphone apps sa isang malaking screen — katulad ng kung papaano ang Chrome OS ay nagsisimulang suportahan ang Android apps sa desktop platform nito.
Ang naturang Andromium OS ay inisyal na inilunsad 18 buwan na ang nakararaan at sa halip na magsilbing isang bagong ganap na operating system, na kinakailangan mo upang malaman ang pinanggalingan ng iyong Android smartphone, sa katotohanan ay isa lamang itong app, na maaari mong i-download mula sa Google Play Store at i-install sa alinmang Android smartphone.
Ang layunin ay ang makaakma ang software sa mas marami pang Android smartphones (bagama’t may mga limitasyon din), na nagbibigay ng mga feature tulad ng windowed apps, isang Windows-like start menu at drag-and-drop icons sa desktop.
Ano naman ang ibig sabihin ng Superbook?
Noong ito ay orihinal na mailunsad noong Disyembre 2014, ang team sa likod ng Andromium OS ay sinimulan ang Kickstarter campaign upang pondohan ang produksiyon ng isang dock, na maaari mong ikonekta ang iyong smartphone at pagkaraan ay ang pagkakabit ng monitor, mouse at keyboard para sa isang mas maaayos na desktop experience. Ang nakalulungkot, hindi naabot ang kampanya at ang mga pinondohang layunin nito gayundin ang official dock ay hindi namanupaktura.
Kung kaya ngayon, ang team sa likod ng Andromium ay nagbabalik para sa isa pang solusyon — ang Superbook. Ang kampanya ay nakasuma ng nasa halos $1 milyong pondo mula sa insyal na layunin nitong $50,000 lamang. Maliwanag lang, na may merkado para sa Superbook, na tinagurian ding may pag-asa.
Katulad na katulad ng Motorola’s Lapdock ilang taon na rin ang nakararaan, ang Superbook ay ang ‘shell’ ng isang laptop na maaari mo ring i-plug ang iyong smartphone. At sa halip na ang rear-mounted dock na nakita natin sa Lapdock, ang Superbook ay kokonekta sa iyong smartphone sa pamamagitan ng isang USB cable.
Mayroon itong 768p screen, keyboard, touchpad at 10-hour battery life.
At dahil ito ay Andromium, ang Superbook ay gumagana sa alinmang smartphones samantalang ang sales pitch ay nagsasabing kapag ini-upgrade mo ang iyong smartphone, epektibong na-upgrade rin ang performance ng iyong laptop, na pinagagana ng isang chip na nasa loob ng iyong mobile.
PAGKOKONBERT NG ANDROID SMARTPHONE PATUNGONG ISANG PC
Bago ka magsimula, kakailanganin mo ang mga sumusunod:
Bagong smartphone/tablet
TV o monitor
Chromecast/Miracast device
Keyboard (Bluetooth/USB)
Mouse (Bluetooth/USB)
Kung ikaw ay gumagamit ng USB mouse o keyboard, ang kakailanganin mo ay isang smartphone na susuporta sa USB On-The-Go (OTG), isang standard na hinahayaan ang mobile devices na ‘mag-ugnayan’ sa isa’t isa, gayundi’y madali kang makakokonekta sa mga peripheral sa iyong smartphone o tablet — na mahalaga sakaling wala kang Bluetooth mouse o keyboard handy.
Kung ang gagamitin mo ay ang wired peripheral route, kakailanganin mo rin ng USB OTG adapter.
Aling smartphones ang gagana sa Andromium?
Ang software ay idinisenyo upang gumana sa mas maraming smartphones na ginagamit. May suhestiyon, na kailangang mayroon kang processor na ‘equal to o better than’ sa Snapdragon 800 mula sa Qualcomm, na inilabas noong 2013 sa smartphones gaya ng Google Nexus 5 at Sony Xperia Z1. Saad naman ng kumpanya, na dapat ang ginagamit mong telepono ay may minimum na 2GB RAM.
SETTING UP
Una, kailangan mong i-download ang Andromium OS mula sa Play Store. Kapag na-install na, kailangang ma-grant ang permisyon upang maakses ang usage data (at ma-manage ang running apps sa task bar) gayundin ang granting access sa notifications upang direkta mong ma-manage ang mga ito mula sa desktop.
Sumunod ay kailangan mong i-set up ang iyong screen at peripherals. Isinusuhestiyon ng Andromium na gumamit ng display, na may minimum na resolution ng 1080p at maaari ka ring gumamit ng isang dedicated computer monitor o ikabit lamang sa iyong telebisyon.
Mas mainam kung wirelessly ay maikokonek mo ang iyong unit sa iyong display, maaari mong gamitin ang Chromecast o Miracast-enabled set-top box o dongle, na nakakonekta sa isang HDMI port sa screen.
Kung gagamit ng Chromecast, buksan ang Chromecast app mula sa iyong telepono, i-tap ang menu button at i-hit ang “Cast Screen.” Ngayo’y kailangang nakikita mo na ang iyong Android smartphone screen sa iyong display.
Kung gumagamit ka naman ng Miracast dongle, magtungo sa Display option sa Settings menu, iiskrol pababa ang Cast. Dito, kailangang makita mo ang iyong Miracast device na nakalista, una rito ay kailangan mong i-tap ang menu sa top right hand corner upang maka-enable ng wireless display.
Sumunod ay kailangan mo nang ikonek ang mouse at keyboard. Muli, mas pinadadali ang pagkokonekta ng Bluetooth-enabled wireless devices. Sundan lamang ang normal pairing setup para sa nasabing devices.
Gayunpaman, maaari mong ikonekta ang USB mouse o keyboard sa iyong smartphone o tablet gamit ang USB OTG cable bagama’t may mga mouse at keyboard naman na available sa microUSB connections.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa prosesong ito, magtungo lamang sa www.trustedreviews.com, kung saan ay nakapablis ang artikulong ito.