ANG Araw ng Panginoon ay magdadala ng paghukom sa masama. Makikita natin ang pockets of judgement na nangyayari sa mundo ngayon at hindi natin maipikit ang ating mga mata sa nangyari sa sanlibutan habang ito ay lumalantad sa harapan natin. Ang kaalaman ay magsasabi sa atin na kapag ito ay nangyayari, ang Ama ay hindi huli sa Kanyang timetable ng kaligtasan. Siya ay palaging nasa oras! Hindi Siya nauuna. Hindi Siya huli, Siya ay nasa tamang panahon.
Pinag-usapan natin ang patungkol sa global warming, pinag-usapan natin ang tungkol sa climate change, ito ay nangyayari sa mabilis na hakbang. Nanonood ako sa isa sa programa sa telebisyon patungkol sa natutunaw na ice caps sa North Pole, sa Arctic. At ito ay nangyari ng mas maaga sa inasahan ng mga eksperto.
Nagtungo doon ang mga siyentista at tiningnan ang pangyayari. Lumulutang sa dagat ang mga naglakihang bitak ng yelo na kasing laki ng bundok at ang mga ito ay natutunaw. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito ng mas maaga sa kanilang naitaya, ngunit ito ngayon ay nangyayari na nga. May kahulugan iyan sa atin. Nangangahulugan iyan ng isang bagay na mag-iiba sa tanawin ng mundo. Ang mga isla at mga mababang lugar sa tabi ng mga anyong tubig ay lulubog, sila ay mawawala.
Pagkatapos ang mga ito ay lalamunin ng tubig dahil ang tubig ay aakyat ng ilang metrong taas. At kapag ang temperatura ay tataas at painitin ang himpapawid sa pagitan ng 2 hanggang 3 porsiyento, iyan ay magtutunaw sa mga ice caps na sa katapusan ay magdadala sa atin ng sakuna sa hinaharap. Ano ang tawag natin diyan? Iyan ay ang paghuhukom sa atin. Hindi nais ‘yan ng Panginoon na mangyari sa atin ngunit dahil sa mga pasaway at katigasan ng ulo ng henerasyong ito, kungsaan tinawag ko itong henerasyon ng pagpapayaman at katakawan.
Ang mga kasiraan na nangyayari sa paligid natin at ng planetang mundo ay dahil sa katakawan para kumita sa puso ng tao. Nagpapasalamat ako sa Ama na hindi siya huli sa Kanyang pagliligtas dahil kapag Siya ay gumawa ng isang bagay, ang Ama, sa Kayang kaalaman ay ipahayag ito sa atin, kahit na hindi natin ito nalalaman.
Nang si Moises ay tinawag na maging tagapagligtas ng Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto, ni si Moises o ang kanyang mga magulang ang nakakaalam sa plano ng Panginoon. Tanging ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Ngunit nang magsimulang gumulong ang plano at ang Ama ay nagsimulang ipatupad ang planong iyan, ang lahat ng mga sirkumstansya na tataliwas sa planong iyan ay isinasantabi at ang plataporma ay inihanda para sa katuparan ng planong iyan.
Ang Dakilang Ama ay gagawin ang lahat ng bagay sa Kanyang kahilingan para sa katuparan ng plano. Ang lahat ng sirkumstansya na maaaring tataliwas sa plano ng Ama ay maisasantabi kagaya ng sa panahon ni Moises. Ang isang bagay lamang na naging balakid sa plano ng Panginoon sa panahong iyon ay ang kapangyarihan ng Paraon. Nang nagplano ang Ama na iligtas ang Israel mula sa pagkaalipin ng Ehipto, Siya ay gumawa ng paghahanda. Siya ay naghanda ng pamilya para kay Moises at siya ay isinilang sa panahon nang iatas ng Paraon ang kamatayan ng lahat ng mga batang lalaki dalawang taon pababa. Bakit siya isinilang sa panahong iyan? Wala bang panahon na isilang siya kung tapos na ang batas? Iyan ang mapanganib na panahon na maisilang sa Ehipto. Inatas ng Paraon ang batas dahil nakarinig siya ng propesiya na sa Israelites ay isisilang ang tagapagligtas.
Hindi niya alam kung sino, hindi niya alam kung kailan, ngunit nais lamang niyang matiyak na ang batang ito ay mamamatay. Kaya inatas niya ang kahatulan sa lahat ng mga batang dalawang taon pababa. Ito ang panahon nang isinilang si Moises. Alam ba ninyo kung bakit? Pinapakita rito na walang kapangyarihan na hihigit sa kapangyarihan ng Dakilang Ama. Ito ay isang pagsalungat sa kapangyarihan ng tao na kapag ang kapangyarihan ng Panginoon ay gumagawa ng isang bagay, walang kapangyarihan sa mundo na makapipigil nito. Si Moises ay isinilang sa panahong iyan. Dahil sa takot ng mga magulang ni Moises na siya ay madiskubre at mapatay, ang kanyang ina na si Jochebed at ang kanyang kapatid na babae na si Miriam ay inilagay si Moises sa isang basket at hinayaan itong lumutang sa Nile River.
Ang Nile River ay nakalokasyon malapit sa komunidad ng Ehipto. Sa labas ng baybayin ng Nile River ay puro disyerto at walang tao roon. Pinalutang si Moises sa ilog na pinalibutan ng mga halaman at damo na tumutubo rito. Iyan ang panahon na kungsaan ay naligo sa ilog ang anak na babae ng Paraon kasama ng kanyang mga alila. Habang siya ay naliligo, isa sa mga alila ang nakatagpo sa basket, at nang buksan niya ito, natagpuan niyang ito ay may lamang sanggol. Kaagad ay nagtungo siya at sinabi niya sa prinsesa ng Paraon, “Nakakita ako ng isang sanggol na lalaki sa loob ng isang basket na lumulutang. Ano ang gagawin natin dito?”
Walang kapangyarihan na mas higit pa sa kapangyarihan ng Dakilang Ama. Ang insidenteng ito ay pinapamukha lamang ang pagkakamali ng Paraon dahil mismo sa kanyang bakuran natagpuan ang sanggol ng kanyang anak na babae. Tila baga sinasabi ng Ama sa kanila, “Ngayon, anong magagawa ninyo sa aking Kalooban? Ang batang ito ay magiging tagapagligtas ng Israel.”
Isinumbong dapat ito ng prinsesa sa kanyang ama at sa walang pagdadalawang isip ay kaagad na pupugutan ng kanyang ama ang ulo ng sanggol dahil iyan ay kautusan. Ngunit kahit ang kautusan nga ay sinalungat dahil nang makita ng prinsesa si Moises, may nakikita siyang isang bagay sa sanggol na kinagigiliwan ng prinsesa. Sinabi niya na iligtas ang sanggol at kanya itong ampunin bilang kanyang sariling anak na lalaki. Nasa palibot lamang ang ina ni Moises na si Jochebed at ang kapatid na babae na si Miriam upang tiyakin na ligtas ang sanggol.
Nang matagpuan ng mga alalay ng anak ng Paraon ang basket at isinumbong ito sa prinsesa, kung kayo si Jochebed at Miriam, siguro kinakabahan na kayo, hindi malalaman kung anong desisyon ang gagawin. Ito ba ay kamatayan na ng kanilang pinakamamahal na sanggol? Sa kalayuan, pinanonood nina Jochebed at Miriam ang mga pangyayari. Ngunit sa kanilang pagkagulat, kinuha ng prinsesa ang sanggol na si Moises at hinalikan ito sa pisngi. At sinabi ng prinsesa sa mga alalay, “Maghanap ng isang tao na mag-alaga para kay Moises.”
Hindi na sila lumayo pa upang maghanap ng mag-alaga dahil ang mga magiging tagapag-alaga ni Moises ay nanonood lamang. Nakita kaagad ng mga alalay si Jochebed at Miriam. Hindi ito isang pagkakataon lamang; ito ang mga pangyayari na nagsasabi sa atin na ang kapangyarihan ng Dakilang Ama ay higit pa sa kapangyarihan ng tao. Maaari Niyang baguhin ang isang bagay para sa inyo. Ang inyong pagkatalo ay gagawing katagumpayan. Ang inyong sumpa ay gagawing mga pagpapala.
(itutuloy)